Anak ni Jeric Raval na si AJ Raval, hinuhulaang isa sa mga sisikat ngayong 2021

by Jojo Gabinete
Jan 12, 2021
AJ Raval: "Sobrang saya ko at napansin ako dahil marami ang mga baguhang tulad ko ang nangangarap na mabigyan ng ganitong pagkakataon."
PHOTO/S: Instagram

Hinuhulaang magiging isa sa mga important newcomer ng 2021 si AJ Raval, ang anak ng action star na si Jeric Raval.

Ipinakikilala si AJ sa Paglaki ko, gusto kong maging #Pornstar, ang pelikulang mapapanood simula sa January 29. Initial presentation ito ng VIVAMAX, ang subscription video-on-demand streaming service ng Viva Communications, Inc.

Si AJ din ang leading lady ni Diego Loyzaga sa comeback movie nito, ang Loving Christine.

Nagsimula na rin siyang mag-taping para sa Ang Probinsyano bilang isa sa mga pulis na makakalaban ng grupo ni Coco Martin.

Continue reading below ↓

Si AJ ang isa sa mga napansin ng viewers sa trailer ng Pornstar dahil sa kanyang malakas na screen presence. Dahil dito, nagkaroon ng interes ang mga taong malaman ang mga detalye tungkol sa kanya, maliban sa pagiging anak siya ni Jeric.

May pagmamanahan si AJ dahil hindi lamang ang ama niya ang aktor dahil naging artista rin noon ang kanyang ina.

Taliwas sa akala ng marami, hindi ang dating aktres na si Monica Herrera ang ina ni AJ.

Ang kanyang ina ay ang former sexy star na si Allysa Alvarez, na gumawa ng mga pelikula noong dekada ’90.

Ang Casa Verde, Alindog ng Lahi, Totoy Mola, Junior Quiapo, at Tahan Na, Heto na ang Ligaya ang ilan sa mga film project ni Allysa noong aktibo pa ito sa showbiz.


Continue reading below ↓

Allysa Alvarez

WHO IS AJ RAVAL?

Elizabeth Buensucezo ang tunay na pangalan ni AJ at high school graduate siya. Plano niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kapag natapos na ang coronavirus pandemic.

Ang controversial talent manager na si Jojo Veloso ang namamahala sa showbiz career ni AJ dahil siya rin ang manager noon ni Alyssa.

Kuwento ni AJ, "It was my manager, Tito Jojo Veloso, who brought me to Viva at pumirma ako ng five-year, ten-movie contract.

"Eighteen years old ako nang pumirma ng kontrata sa Viva.

"Si Tito Jojo rin kasi ang manager ng mommy ko nung nag-aartista pa siya.

"Una po akong napansin nang mag- guest ako noon sa 'Kapare-who' portion ng It’s Showtime. Nag- trending yung particular episode.

"Sinundan ito ng guesting namin ng daddy ko sa Minute To Win It na nag- trending din that same week,” kuwento ni AJ sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files tungkol sa pagsisimula ng showbiz career niya.

Continue reading below ↓

Bago siya dinala ni Veloso sa Viva, naging member muna si AJ ng The Fabulous Girlfriends noong 15 years old siya.

Ang Fabulous Girlfriends ang all girl sing-and-dance group na binuo ni Veloso.

"Mahilig kasi akong sumayaw at kumanta. Sa katunayan, palagi kaming gumagawa ng mga rap song ng Kuya Ace ko.

"Kaya nung pumirma ako sa Viva, inalok kaming magkapatid na mag -release ng kanta, ang 'Madaling-Araw' na ginawan namin ng music video," sabi ni AJ.

Masayang-masaya si AJ dahil napansin siya ng publiko sa wacky trailer ng Pornstar.

"Sobrang nagpapasalamat ako at napansin ako kahit mga sobrang sikat yung mga nakasama ko at ang gagaling pa nila.

"Kahit papaano unti-unting nagkakaroon ng katuparan ang mga pinaghirapan ko.

"Hindi naman po ako na-intimidate kina Miss Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor.

"Sa katunayan, mas na-inspire nga ako na galingan ang acting ko dahil apat na magagaling na artista yung mga kasama ko sa eksena.

Continue reading below ↓

"Pinayuhan nila ako na dapat maging professional ako para tumagal sa industriyang ito.

"Dapat on-time lagi ako sa set, kabisado ko ang lahat ng mga dialogue, at alam ko ang mga eksena na kukunan sa araw na ‘yon at, higit sa lahat, magbigay respeto sa mga katrabaho ko."

Ano ang reaksiyon mo sa mga opinyon ng publiko na isa ka sa mga baguhan na sisikat sa showbiz ngayong 2021?

Sagot ni AJ, "Sobrang saya ko at napansin ako dahil marami ang mga baguhang tulad ko ang nangangarap na mabigyan ng ganitong pagkakataon.

"Sobrang suwerte ko dahil napapansin ako kaya ipinangangako kong ibibigay ko ang lahat at dodoblehin ko pa ang efforts ko para hindi mapahiya sa mga taong nagtitiwala sa akin tulad ni Boss Vic del Rosario."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval: "Sobrang saya ko at napansin ako dahil marami ang mga baguhang tulad ko ang nangangarap na mabigyan ng ganitong pagkakataon."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results