Lunes ng umaga, Pebrero 16, 2026 nang magpadala ng mensahe ang Cabinet Files sa aktor at Bulacan vice-governor na si Alex Castro para sa reaksiyon niya sa pinag-uusapang pahayag ni Alvin Aragon.
Si Alex ang mister ng SexBomb Girls member na si Sunshine Garcia.
Kabilang si Sunshine sa nagtanghal sa reunion concert ng SexBomb sa MOA Arena noong February 6, 7, and 8.
Si Alvin naman ang mister ng dating SexBomb member na si Izza Trazona, na nagkaroon ng special appearance sa SexBomb reunion concert noong February 7.
Hindi nagsayaw si Izzy ngunit pumayag itong sumama sa pagkanta ng main theme song ng kanilang dating afternoon drama series na Daisy Siete.
Kaugnay nito ay nagsalita si Alvin tungkol sa hindi niya pagpayag umanong mag-participate si Izzy sa reunion concert ng dati nitong grupo.
May ilang netizens na nagkumpara kina Alvin at Alex.
Bahagi ng pahayag ni Alvin tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni Alex: “Sinasabi nila, 'Buti pa yung asawa ni Sunshine, vice governor, pinayagan sila mag-concert.
"Dapat nga hindi, e. Dapat nga, yung asawa mo, ingatan mo.
"Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki."
Read: Alvin Aragon calls out Alex Castro, Sunshine Garcia over SexBomb reunion
ALEX CASTRO ON ALVIN ARAGON'S STATEMENT
Inisip ng Cabinet Files na baka hindi natanggap ni Alex ang mensahe namin sa kanya.
Pero ngayong gabi, 8:02 P.M., ipinadala ng asawa ni Sunshine ang sagot niya.
Mensahe ng Bulacan vice governor: “Good evening, Jojo, sorry ngayon ko lang nabasa.
"Kahapon ko pa nakita, pati yung video [ng interbyu kay Alvin], pero hindi ko na dapat patulan dahil mas madami akong mahalagang trabaho dito sa amin [smile emoji].”
Dagdag pa ni Alex: “Ipagdasal na lang natin silang mag-asawa."
Marami ang naghihintay sa reaksiyon ni Alex sa mga sinabi ni Alvin.
Nagpapasalamat sa kanya ang Cabinet Files dahil nagkaroon siya ng panahong sagutin ang isyung pinag-uusapan ngayon sa kabila ng pagiging abala sa mga tungkulin niya bilang bise-gobernador ng Bulacan.
Read: Did Sunshine Garcia take a subtle swipe at Alvin Aragon by praising husband Alex Castro?
IC MENDOZA REACTS TO ALVIN ARAGON'S POST
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ni Alvin mag-trending sa social media, pero sa mga negatibong dahilan.
Kabilang ang kapwa niya entertainment personality na si IC Mendoza sa hindi nakapagpigil magkomento sa isyu.
Hindi maipagkakailang hindi niya nagustuhan ang opinyon ni Alvin tungkol sa mga miyembro ng LGBTQIA + community.
Sinabi ni IC sa Thread post nito: “Stop weaponizing our Christian faith to hurt people and clout chase.
“I am a gay guy and a Christian. Anak at apo ako ng mga pastor.I practically grew up in church and my relationship with God is built on prayer and his grace and not on other people’s approval.
"I did not choose between my faith and my identity, I can have both,
"Nagmamahal, Sexbomb IC."
Makalipas ang ilang oras, muling nagbahagi si IC sa kanyang Thread ng post ng ganitong pasaring: “Na para bang di natulungan ng mga bading.”
Read: SexBomb Girls enjoy reunion dinner with their husbands