Si Angela Muji ang leading lady ni Rabin Angeles sa Viva One series na Mission Impossible: Seducing Drake Palma.
Ito ang biggest break ni Angela bilang aktres.
Nag-umpisa ang showbiz career ni Angela nang maging miyembro ito ng P-Pop Girls ng P-Pop Generation noong 2018.
Nagsimula naman ang kanyang acting career noong 2024, isang taon matapos mabuwag ang kanilang all-girl group.
Maligayang-maligaya si Angela dahil sa magagandang nangyayari ngayon sa kanyang career.
Read: Kapamilya stars, executives, employees nagpaalam na sa ABS-CBN Tower
ANGELA MUJI'S LATE MOTHER
Kung may ikinalulungkot man siya, ito ay ang pagpanaw ng nanay niyang si Lanie dahil sa breast cancer noong Nobyembre 2020.
Lahad ni Angela sa Cbainet Files: “This is my long-awaited dream po talaga ever since my mom was alive, siya ang number one supporter ko.
"And during the pandemic, she unfortunately passed away.
"Kaya every time I’m always in front of the crowd, I keep reminding myself na, ‘You know, your mom would be so proud of you.’ And it keeps me grounded po.
“I was only 18 years old when she passed away. Dalawa po kaming magkapatid, ako ang bunso.
"Okay na po ako, pero for the longest time, I have been mourning and grieving."
Naniniwala si Angela na patuloy siyang sinusubaybayan ng kanyang sumakabilang-buhay na ina na palagi raw nagpapakita sa mga panaginip niya.
Nang pumanaw ang nanay ni Angela, ang ama nitong si Sonny ang sumuporta sa kanyang showbiz career.
Pero aminado ang baguhang aktres na dating tutol ang kanyang ama sa pagiging artista niya.
Lahad ni Angela: “Ang dad ko po, nung una, hindi siya supportive when it comes to my pag-aartista. Mas bet po niya yung academics.
"Pero when my mom passed away, slowly, nagwa-warm up na siya.
“Sobrang supportive na po niya ngayon. Siya na ang naghahatid-sundo sa akin.”
Pinagsasabay raw ngayon ni Angela ang kanyang acting career at pag-aaral sa University of Sto. Tomas bilang third year Communication Arts student.
Read: Irene Celebre, 67, engaged to Sylvia La Torre's son Artie Perez de Tagle, 69
RABIN ANGELES'S LEADING LADY
Mula nang maging leading lady si Angela ni Rabin sa Seducing Drake Palma, may mga pagbabago sa kanyang buhay pero nananatili raw ang pagiging mapagkumbaba niya.
“Sa tingin ko naman po, hindi pa ako ganoon kakilala,” sabi ni Angela.
“Nakakataba lang po ng puso na kunyari kahit wala kang ayos tapos bibili lang ako ng something sa mall, 'Ay, si Angela!’
“Nakakatuwa lang po na nare-recognize na yung work at efforts that I invested into my career and finally, bearing fruits.
“Nakakatuwa din po na every Friday, marami ang nakasubaybay sa Seducing Drake Palma at talagang nakakataba po ng puso yung suporta na ibinibigay nila at nare-receive namin.”
Read: Vilma Santos reacts to Taal Lake "dump site" for missing sabungeros