Ara Mina, wala pang maibigay na detalye sa kasal nila ni Dave Almarinez

by Jojo Gabinete
Jan 13, 2021
Ara Mina on getting engaged to Dave Almarinez: "Nabigla rin ako. Hindi ko alam na mangyayari yesterday na may proposal. Hindi ko expected. Wala akong ka-idi-idea na magpo-propose na siya sa akin."
PHOTO/S: Nice Print Photography

Ang naganap na marriage proposal ni Dave Almarinez kay Ara Mina kahapon, January 12, ang headline ngayon ng mga entertainment news kaya interesado ang publikong malaman ang mga detalye tungkol sa planong pagpapakasal ng dalawa.

Sa Zoom presscon ng pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging #Pornstar ngayong Miyerkules ng hapon, January 13, nagkaroon ng pagkakataon ang entertainment press na tanungin si Ara tungkol dito.

Pero hindi nagbigay ng detalye ang aktres tungkol sa pagpapakasal nila ng Philippine International Trading Corporation president and CEO.

"Actually, wala pa akong masyadong tulog," reaksiyon ni Ara.

"Nabigla rin ako. Hindi ko alam na mangyayari yesterday na may proposal.

"Hindi ko expected. Wala akong ka-idi-idea na magpo-propose na siya sa akin."

Bakas sa mukha ni Ara ang kaligayahang nararamdaman dahil natagpuan na niya ang lalaking makakasama sa habambuhay.

Continue reading below ↓

ARA ON GOING SEXY

Sina Ara, Alma Moreno, Maui Taylor, at Rosanna Roces ang lead stars ng Pornstar. Sila ang mga kinilalang sex symbol noong kapanahunan nila.

Sinabi ni Ara na ginamit lamang niya noon ang pagpapaseksi sa pelikula para mapansin siya at makilala dahil marami ang kanyang kasabayan noon.

Hindi pinagsisisihan ni Ara ang desisyong maging mapangahas dahil malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay, pamumuhay, at career.

Saad niya, "Ginawa ko siyang stepping stone because nung time na pa-tweetums-tweetums ako, andami kong mga kasabayan, so hindi ako napapansin.

"Kaya ang naging stepping stone ko, itong pagpapaseksi.

"Malaki talaga ang nabago kasi nakilala ka sa industriya. At the same time, nagkaroon ka ng projects na bumida ka at nakaipon ka."

Hindi nakalimutan ni Ara na banggitin ang mga hirap na pinagdaanan niya noon dahil hindi madali ang maghubad sa harap ng kamera.

"Sa totoo lang, mahirap. Hindi ganoon kadali.

"Noong unang nagtatanggal ako ng damit, per every take, umiiyak ako after.

Continue reading below ↓

"Tiniis ko ‘yon kasi, sabi ko, trabaho lang ito.

"Hindi naman ganoon kadali, may camera, 'tapos magtatanggal ka ng damit mo.

"Pero supportive naman yung mommy ko sa akin dahil gusto ko, kahit nagalit yung daddy ko sa akin.

"Maganda naman ang kinalabasan, na-achieve ko naman yung gusto kong ma-achieve," sabi ni Ara.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on getting engaged to Dave Almarinez: "Nabigla rin ako. Hindi ko alam na mangyayari yesterday na may proposal. Hindi ko expected. Wala akong ka-idi-idea na magpo-propose na siya sa akin."
PHOTO/S: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results