PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arron Villaflor interview, hindi tungkol sa alleged video scandal

Arron Villaflor, wala pang opisyal na pahayag sa alleged video scandal
by Jojo Gabinete
Published Mar 4, 2026
arron villaflor interview
Arron Villaflor has yet to issue a statement regarding the alleged video scandal linking him to the controversy circulating online.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Hindi pa naglalabas ng reaksiyon o pahayag si Tarlac Second District board member Arron Villaflor tungkol sa alleged private video controversy na iniuugnay sa kanya.

Nababahala ang mga nagmamalasakit sa political career ni Arron dahil sa mga video interview sa aktor na pinirata ng mga content creator.

Bago nag-umpisa ang media conference para sa pelikulang pinagbibidahan nila ni Archi Adamos, ang Pater Noster, nainterbyu ng Cabinet Files at ng ABS-CBN si Arron sa backstage ng Viva Café noong Pebrero 27, 2026.

Pero sa mga video na walang pahintulot ginamit ng mga mapagsamantala at hindi patas lumabang content creators, pinalitaw nila na ang panayam kay Arron ang sagot nito sa maselang isyung pumutok at pinag-usapan noong Sabado, Pebrero 28—isang araw matapos maganap ang panayam sa kanya sa presscon ng pelikula nila ni Archi.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Arron, ibinahagi nito ang opinyon tungkol sa kanyang mga eksena sa VMX (dating Vivamax) movies na ginawa niya at pinalilitaw na scandal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okay yan. Nakakatulong sa akin yan!” natawang sabi ni Arron.

Pero dapat linawing nagsalita siya tungkol sa mga isyu ng video scandal bago pa naging isang malaking usapin ang kumalat na alleged private videos ng mga kilalang personalidad sa entertainment industry.

Read: Arron Villaflor: "No more sexy roles."

ARRON WAS PREPARED TO LOSE IN THE ELECTION

Ikinuwento rin ni Arron sa Cabinet Files na handa siyang matalo sa kanyang kandidatura noong Mayo 2025 bilang bokal ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Tarlac.

Saad niya: “Actually, I was ready to lose the election kasi considering that my opponents are incumbent. They’ve been in politics for a long time.

“I am a neophyte, I am young compared to them. So, somehow, sabi ko, okay lang kahit matalo tayo.

"At least, I did my best. I did my part.

“Actually, naka-ready na ako noon to stabilize my life in Siargao kasi nature is my medicine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“But I guess, it’s my calling. Masarap ang pakiramdam [nang manalo] kasi sa lahat ng pagod namin during the campaign, hindi mo mapapalitan o mababayaran.

"I know it’s tiring kasi we go out every day but then again, nasuklian naman ng maganda and serving my people is always my choice.”

Pinalad manalo si Arron sa nakaraang eleksyon kaya hindi natuloy ang kanyang planong paninirahan sa Siargao.

Read: Arron Villaflor, biglang umakyat ang bilang ng IG followers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arron Villaflor has yet to issue a statement regarding the alleged video scandal linking him to the controversy circulating online.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results