Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ng aktor at dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr. sa harap ng gusali ng Sandiganbayan sa Commonwealth, Quezon City, ngayong Martes ng umaga, Enero 20, 2026.
Nagpakilalang mga residente ng lalawigan ng Cavite ang mga naghihintay at nag-aabang sa pagdating ni Revilla sa Sandiganbayan para sa pagbabalik niya sa arrest warrant matapos ang kanyang boluntaryong pagsuko sa Camp Crame, Quezon City, noong Lunes ng gabi, Enero 19.
Read: Bong Revilla surrenders after Sandiganbayan issues arrest warrant
Nakasuot ng mga T-shirt na kulay puti, na simbolo ng kadalisayan, ang mga sumusuporta kay Revilla.
May mga hawak din silang identical white papers na pare-pareho ang fonts ng mga letra.
May mga nakasulat ditong “Kaisa Mo Kami Sa Laban Senator Bong Revilla," "Mahal Ka Namin Senator Bong Revilla," at "Alam Ng Panginoon Na Wala Kang Kasalanan Senator Bong Revilla.”

SUPPORTERS: REVILLA IS INNOCENT
Sinabi ng mga tagasuporta ni Revilla na hindi sila binayaran at kusang-loob ang pagpunta nila sa Sandiganbayan para ipakita at ipadama sa dating senador ang kanilang pagmamahal.
Ayon sa kanila, hindi sila naniniwalang totoo ang mga paratang na sangkot si Revilla sa mga anomalya sa flood control project anomalies.
Inakusahan si Revilla na sangkot sa PHP92.8 million ghost flood control project sa Pandi, Bulacan, kaya sinampahan siya ng mga non-bailable case na graft at malversation of public funds.
Ang Third Division ng Sandiganbayan ang naglabas ng arrest warrant para kay Revilla.
Naninindigan ang actor-politician na inosente siya sa mga akusasyon laban sa kanya at humiling na ipagdasal siya ng ating mga kababayan.
Nagpalipas ng gabi si Revilla sa Camp Crame.
Ngayong umaga, dumating na sa Camp Crame ang sasakyang susundo sa kanya at dadalhin siya sa Sandiganbayan.
Read: Sandiganbayan issues arrest warrant vs former Senator Bong Revilla
JOLO REVILLA ISSUES STATEMENT
Naglabas ng pahayag ang aktor at Cavite First District representative na si Jolo Revilla ngayong Martes ng umaga, Enero 20, 2026, tungkol sa kusang-loob na pagsuko ng kanyang ama.
Ayon sa nakababatang Revilla, pagharap at hindi pag-iwas ang boluntaryong pagsuko ng kanyang ama.
Humiling din siya ng patas na pagtrato ng naaayon sa batas, ng publiko sa usaping kinasasangkutan ng tatay niya.
Saad niya: “The decision of my father, Ramon Bong Revilla, Jr., to voluntarily submit himself to the authorities was a deliberate step to confront the accusations head-on and to affirm his faith in our legal institutions.
“Hindi ito pag-iwas, kundi pagharap. He believes that the proper place to resolve these issues is inside the courtroom, where facts matter and the law speaks louder than speculation.
“As a son, this is a difficult moment for our family. As a legislator, I recognize the importance of accountability and the integrity of due process.
“In this light, we respectfully call for fairness—fair treatment under the law, fair judgment based on evidence, and fairness in public discourse that refrains from trial by publicity.
“I therefore ask the public and the media to allow the justice system to work—without pressure, noise, or premature conclusions.
“Nagpapasalamat kami sa patuloy na panalangin at malasakit ng mga taong nananatiling naniniwala sa patas at makatarungang paglilitis. Sa huli, naniniwala kami na ang katotohanan ang mananaig. Thank you.”
Read: Boom Labrusca slams topless male performers at Sto. Niño fiesta