PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chavit Singson, nagkomento sa pagkakaugnay kina Jillian at Yen

Chavit Singson, itinangging may anak sila ni Yen Santos.
by Jojo Gabinete
Published Oct 14, 2025
jillian ward chavit singson yen santos
Former Ilocos Sur Governor Chavit Singson (center) addresses rumors romantically linking him to actresses Jillian Ward (left) and Yen Santos (right), dismissing the gossip as “Marites" talk.
PHOTO/S: Instagram / Jojo Gabinete / YouTube

“Marites lang yon.”

Ito ang sagot ni former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, 84, nang tanungin tungkol sa pagkakaugnay noon ng kanyang pangalan sa 20-year-old actress na si Jillian Ward.

Ayon kay Singson, narinig din niya noon ang isyu.

“Naririnig ko nga. Marami nang nali-link sa akin, puro Marites,” sabi ng controversial politician-businessman sa panayam sa kanya ng mga miyembro ng media na nangyari ngayong Martes, Oktubre 14, 2025.

Read: Vico Sotto to "dishonest" Pasig City barangay officials: "Enough is enough."

CHAVIT SINGSON ON RUMORED CHiLD WITH YEN SANTOS

Pero naintriga ang mga kausap na reporters ni Singson dahil sa kanyang sagot nang tanungin tungkol kay Yen Santos, 32, na nauna nang pinabulaanan ang balitang may anak sila.

Sabi niya, “Hindi namin anak yon. Adopted lang. Sina Yen [ang nag-adopt]. Kami ang nagpabinyag.”

Hindi malinaw kung ang sinasabi ni Chavit na "adopted" na bata ay ang tinukoy ni Yen na "bunsong kapatid" sa YouTube vlog ng aktres noong Hulyo 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Yen tungkol sa napapabalitang anak nila ni Chavit: "Okay. Yung tsismis na meron raw po kaming anak ni Manong Chavit.

"Guys, hindi namin yun anak, kapatid ko po yun. He's my youngest brother. Tatlo kaming magkakapatid.

"Sabi ko nga di ko ugali kasi mag-correct ng tao pero natanong mo na.

"So, yun talaga yun. Nakikita ko sa TikTok, nagkalat, na malaki na raw yung anak namin.

"Yes, malaki na siya, he's eleven years old. Pero hindi po namin yun anak, kapatid ko po siya."

Iyon ang unang pagkakataong nagsalita si Yen tungkol sa paulit-ulit na pagkakaugnay niya kay Chavit.

Read: Yen Santos quashes alleged love child with Chavit Singson

CHAVIT SINGSON ON CO-PRODUCING MOVIES

Napag-usapan din sa interbyu kay Singson ang pagpoprodyus niya ng pelikulang Pilipino, kahit naranasan na raw niyang lokohin ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan.

“Yung isang na-finance ko, awa ng Diyos, tumakbo na. Itinakbo lahat ng pera. Wala tayong magawa, tinakbuhan tayo," rebelasyon ni Singson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Chavit ay nakipag-co-produce sa GMA Pictures para sa pelikulang Samahan ng mga Makasalanan, na ipinalabas ngayong 2025. Balitang susundan pa ito ng isang proyekto.

Sinabi rin ni Singson na natakot na umano ang mga kausap niyang foreign celebrities na magkaroon ng proyekto sa Pilipinas, tulad ng Korean actor na si Lee Seung-gi, dahil sa malawakang korapsyon at sunud-sunod na kalamidad.

Saad niya: “Natatakot na sila ngayon sa mga nangyayari. Lahat, [pati] si Lee Seung-gi.

“Magtatayo ka dito ng parang Hollywood, na-postpone lahat, pati yung mga funding ng Koreano. Kailangan tumahimik muna raw.

“Meron pang isang Hollywood star, si Jean Claude Van Damme.

"Si Van Damme, kagagaling lang dito. Nagpunta siya sa bahay, gusto niyang mag-shooting.

"Kagagaling niya sa akin, two months ago, pero anytime, pupunta siya. Nasa Hong Kong lang siya.”

Read: Lee Seung Gi returns to the Philippines for concert and business

SINGSON ON PROTESTS AGAINST CORRUPTION

Kabilang si Chavit Singson sa mga nakiisa sa malawakang protesta laban sa korapsyon na naganap noong September 21, 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngunit may mga nagprotesta na nag-boo sa kanya sa rally.

Ito ay dahil sa alegasyong sangkot din siya sa pandarambong at may mga nagdududa rin kung ano ba talaga ang posisyon niya tungkol sa isyu at kung saang kampo siya kampi.

Depensa naman ni Singson, "attack dogs" lamang umano ang mga naninira sa kanya.

Sa kabila nito, naniniwala ang controversial personality na malaki ang maitutulong ng entertainment personalities para mahimok ang mga mamamayan na labanan ang korapsyon.

Aniya: “Malaking bagay. They’re very influential at paniniwalaan sila ng mga tao.

"Nagpapasalamat ako, sumali sila. Isinigaw nila yung mga nangyayaring katiwalian.

“Maganda po, nagpapasalamat ako sa kanilang lahat. Si Vice Ganda, nakita ko na nagmumura.

“Maganda kung sumama sila sa protesta ng korapsyon dahil kinabukasan natin lahat [ang nakataya], hindi lang mga kabataan.

"But more on the kabataan. Maganda kung sasama lahat ng mga maimpluwensiya, like movie stars.

“Very welcome sila. They’re against corruption. Maganda po, makakatulong sila. Magpapasalamat po ako sa kanila, kaisa natin yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We should be united in denouncing this greatest another robbery. Itong ghost projects na ito, worse than Marcos Sr.”

Ang tinutukoy ni Singson na "Marcos Sr." ay ang ama ni President Ferdinand Marcos Jr. na si former President Ferdinand Marcos Sr., na napatalsik noon sa puwesto dahil sa alegasyong pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Read: Post ni Wanda Tulfo-Teo sa victims ng lindol sa Davao Oriental, binatikos

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Ilocos Sur Governor Chavit Singson (center) addresses rumors romantically linking him to actresses Jillian Ward (left) and Yen Santos (right), dismissing the gossip as “Marites" talk.
PHOTO/S: Instagram / Jojo Gabinete / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results