Watch Now

Reroute star Cindy Miranda, hindi kayang gawin ang car sex sa totoong buhay

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2022
cindy miranda sid lucero reroute
Cindy Miranda asked about her car sex scene with Reroute co-star Sid Lucero: "So far, hindi ko pa siya nata-try, pero sana, hindi ko gawin. Baka mahuli rin ako, di ba?"
PHOTO/S: Viva Films

Mag-asawa ang mga karakter na ginagampanan nina Sid Lucero at Cindy Miranda sa Reroute, ang suspense-thriller movie na pinagbibidahan din nina John Arcilla at Nathalie Hart.

Isa sa mga nakakakabang eksena ng pelikula ay ang pagtatalik nina Cindy at Sid sa loob ng sasakyan pero may taong nakahuli sa kanila.

Solong humarap si Cindy sa virtual media conference ng Reroute ngayong Miyerkoles ng hapon, January 5, 2022.

Binigyan niya ng katuwiran ang mapangahas at maselang eksena nila ni Sid. Pero sa tunay na buhay, hinding-hindi raw niya gagawin ang makipagtalik sa loob ng sasakyan.

Saad ni Cindy, “May mga kaibigan akong nahuli, ginagawa yun sa car but, you know, I haven’t tried it and I don’t think I’m gonna try it.

“So far, hindi ko pa siya nata-try, pero sana, hindi ko gawin. Baka mahuli rin ako, di ba?

"Feeling ko talaga bawal kasi respect yun. Ayaw natin na magulo yung ibang tao kasi siyempre gumagalaw yung car.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakaka-disturb yun sa ibang tao. Hindi naman lahat ng tao, pare-parehong mag-isip.

"May iba, conservative. May iba, very open to that. Yung iba, walang pakialam.

"Maybe, we respect na lang people and do it in private."

Dagdag pa niya, "I’m not against naman sa mga taong gumagawa nun. Sometimes, it’s just for fun. Sometimes, you just need it."

Nangyayari naman talaga sa totoong buhay ang eksenang ginawa nina Cindy at Sid sa pelikula.

Noong early 2000, nahuli ng mga pulis ang isang showbiz personality na nakikipagtalik sa kanyang boyfriend sa loob ng sasakyan niyang nakaparada sa kalsada ng isang siyudad sa Metro Manila na hindi masyadong dinaraanan ng mga motorista.

"Caught in the act" ang dalawa kaya hindi na makatanggi ang showbiz personality na tinakot ng mga pulis na huhulihin kapag hindi siya nagbigay ng pera.

Nang sabihin ng showbiz personality na wala siyang cash na dala, nagtanong ang mga pulis kung may ATM card siya. Nang sabihin niyang meron, sinamahan siya ng mga awtoridad sa bangko para mag-withdraw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging sunud-sunuran ang showbiz personality sa kagustuhan ng mga pulis dahil sa takot na masangkot sa eskandalo na makakasira sa kanyang showbiz career kapag nag-ingay ang mga humuli sa kanila ng kanyang boyfriend.

Bukod sa paghingi ng lagay ng mga pulis, nilait-nilait nila ang boyfriend ng showbiz personality. Papatol lang daw ito, bakit hindi pa sa guwapong lalake na bagay sa kanyang estado noon sa entertainment industry.

Mapapanood ang Reroute sa Vivamax simula sa January 21, 2022.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cindy Miranda asked about her car sex scene with Reroute co-star Sid Lucero: "So far, hindi ko pa siya nata-try, pero sana, hindi ko gawin. Baka mahuli rin ako, di ba?"
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results