PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Discaya firm, kakasuhan sa palyadong PH Film Heritage Building

Claire Castro: "Mismong gobyerno pa talaga ang parang niloko pa ng mga Discaya.”
by Jojo Gabinete
Published Sep 5, 2025
philippine film heritage building
Palace Press Officer Claire Castro on flawed Philippine Film Heritage Building: "Mismong gobyerno pa talaga, ito pang mismong proyekto na to ang parang niloko pa ng mga Discaya.”
PHOTO/S: YouTube

Hindi lamang ang mga anomalya sa flood control projects ang kinasasangkutan ng mga construction company na pag-aari ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.

Dawit din sila sa hindi pa natatapos na konstruksiyon sa Philippine Film Heritage Building sa Intramuros, Manila.

Ang Philippine Film Heritage Building ang magiging bagong tanggapan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP)—na pinamumunuan ng direktor na si Jose Javier Reyes—at tahanan ng Cinematheque Manila.

Itinayo ang gusali ng Great Pacific Builders and General Contractor Inc., isa sa mga korporasyon na pag-aari ng mga Discaya.

Read: Who is Sarah Discaya?

Sa pagbisita ng mga opisyal ng gobyerno noong Huwebes, Setyembre 4, 2025, nakita ang mga problema sa Philippine Film Heritage Building, na nagkakahalaga ng PHP143.22 million.

Ang South Manila Engineering District ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagbigay sa mga Discaya ng proyekto.

May revised contract cost ito na nagkakahalaga ng PHP107.9 million, base sa project profile na ipinakita ni Palace Press Officer Claire Castro sa mga miyembro ng media na pumunta at tiningnan ang gusali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews

GOVERNMENT PROJECT

Ang Philippine Film Heritage Building ay proyekto ni First Lady Liza Marcos.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang First Lady sa hindi pulidong pagkakagawa sa gusali na bubuksan na dapat noong Setyembre 4. Pero ayon sa mga trabahador, Setyembre 15 ang sinabi sa kanilang target finish date.

Sa panayam kay Castro, kinumpirma niyang isa sa mga korporasyon ng mga Discaya ang kontratista ng Philippine Film Heritage Building.

Pahayag niya: “Isa ito sa mga korporasyon ng mga Discaya.

"Nakita niyo po yung downspout [alulod] kanina, hindi siya normal dahil yung pagtulo ng tubig-ulan, diretso sa kalsada. Lahat ng taong dadaan, e, puwedeng mabasa.

“Hindi lang po yan, makikita ninyo pa po, may water leaks na po at talagang hindi pa po ito natatapos.

"Mismong gobyerno pa talaga, ito pang mismong proyekto na to ang parang niloko pa ng mga Discaya.”

Tiniyak ni Castro na maghahain ang pamahalaan ng mga reklamo, tulad ng estafa, laban sa mag-asawang Discaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Definitely, kasi kung maipapakita natin kung bakit nagkaganito, kung wala silang valid reason, kung bakit hindi nila ito nai-turnover nang tama at naaayon sa kontrata, puwede silang makasuhan.

"Unang-una, civil liability,” pahayag ng Palace press officer.

Read: Discaya compound sa Pasig, sinugod ng mga nagpoprotesta

JOEY REYES ON NEW BUILDING OF FDCP AND CINEMATHEQUE

Sa media conference noong Agosto 15, inilahad ni FDCP Chair at CEO Joey Reyes ang mga proyekto at magagandang plano para sa isang buwang pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre.

Noong panahong iyon, hindi pa sumasabog ang balita tungkol sa mga anomalya sa government projects ng mga Discaya.

Walang kamalay-malay si Reyes na kabilang ang ahensiya na pinamumunuan niya sa madadamay at makararanas ng paglapastangan sa kaban ng bayan.

Pahayag niya noon: “Sa September 26, magkakaroon ng Philippine Film Industry Month screenings sa various Cinematheques.

"Sa ngayon, wala pa tayong Cinematheque sa Manila kasi kino-construct pa yung building natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero sa Iloilo, Cebu, Davao, magpapalabas tayo ng iba’t ibang mga pelikula to celebrate Pilipina at Pelikula, sa Cinematheques natin,” masayang-masayang balita ni Reyes nang humarap ito sa entertainment media noong Agosto 15.

Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman

fdcp chair joey reyes
FDCP Chairperson Joey Reyes
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad pa niya: “On September 5, Friday, ang FDCP, nagkaroon ng partnership with the Intramuros administration. Nakapunta na ba kayo sa Intramuros lately?

“Ay, bongga! Unang-una, yung isang dating simbahan, ginawa siyang museum.

"Katulad ng ginagawa sa Europe, nire-repurpose yung mga old structure at nagpi-film showing sila doon.

“And we’re doing this every Friday, may mga film showing kami sa Centro Turismo, sa Intramuros.

“Isang venue pa namin is Fort Santiago, we project the movie sa wall. It’s very casual and, at the same time, it brings back the feeling of a community with a sense of history by showing films.

“And right beside, the soon-to-be new building of the Philippine Heritage Building, right behind Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, yun ang Baluarte de San Diego, magkakaroon kami ng open-air screenings.

"Dun sa tabi nun, nandodoon yung bagong building ng Film Heritage, dun lilipat ang FDCP at nandoon ang bagong Cinematheque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hopefully by the end of the year nandodoon na [ang Cinematheque].

"In other words, we’re creating Intramuros into a cinema hub, kasi nga ang dami-daming cinematic activities, kasi ang dami ring eskuwela na nandodoon.”

Kasama si Reyes sa mga namataang bumisita at nag-inspeksyon sa Philippine Film Heritage Building noong Huwebes.

Read: Discaya couple, isinuko na ang nawawalang luxury cars

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Palace Press Officer Claire Castro on flawed Philippine Film Heritage Building: "Mismong gobyerno pa talaga, ito pang mismong proyekto na to ang parang niloko pa ng mga Discaya.”
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results