Ang Filipino actress na si Dolly de Leon ang tatanggap ng Breakthrough Performance Award sa 10th Middleburg Film Festival na magaganap mula October 13 hanggang October 16, 2022 sa Virginia, USA.
Ito ay dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Triangle of Sadness, ang drama comedy movie na nanalo ng Palme d’Or, ang pinakamataas at prestihiyosong parangal sa 75th Cannes Film Festival noong May 2022.
Malaki ang maitutulong kay Dolly ng karangalang ipagkakaloob sa kanya para lalong lumakas ang tsansa niyang magkaroon ng best supporting actress nomination sa 95th Academy Awards na idaraos sa March 2023.
Sunud-sunod na ang mga artikulong lumalabas sa Amerika tungkol sa pinupuring pag-arte ni Dolly sa Triangle of Sadness.
Isa itong matibay na indikasyon na lumalakas ang kampanyang makabilang siya sa listahan ng mga aktres na nominado sa best supporting actress category ng Oscar Awards.
Ang Fantastic Fest sa Austin, Texas ang isa sa mga film festival na dinaluhan ni Dolly noong September 30.
Ayon sa report ng The Austin Chronicles, potential Oscar nominee ang maipagmamalaki nating Filipina actress.
Bahagi ng nakasaad sa report: "Attendees at Fantastic Fest’s closing night screening tonight got a surprise visitor: Dolly De Leon, the breakout star of the Cannes Palme D’Or winning Triangle of Sadness.
"For her performance as Abigail, the cleaner on a swanky yacht filled with the worthless rich, she's already getting talked about as a potential Oscar nominee.
"Yet when she first auditioned for the part, back in 2018, 'It was another job I knew I had to get.'
"She was a veteran of Filipino TV and stages, "But I wasn’t at a position where I could choose my roles."
"However, she’d never done an international production, and this was an opportunity to work Force Majeure director Ruben Östlund, fresh off his Cannes Palmes D’or win for The Square, 'and I’d been dying to do this kind of work.'
"Her performance is not only putting the spotlight on her, but on the potential of the entire Filipino film industry-an industry that she sees as being in a particularly healthy place, post-pandemic," ang bahagi ng ulat ng The Austin Chronicles tungkol kay Dolly.
Makikita ang malaking pagpapahalaga kay Dolly ng mga producer at distributor ng Triangle of Sadness dahil mula nang mapansin, purihin, at pag-usapan ang kanyang magaling na pagganap, inilagay na ang larawan at ang pangalan niya sa bagong poster ng pelikula.
Lumipad si Dolly sa Amerika noong nakaraang buwan para sa kampanya ng kanyang Academy Awards bid. Uuwi siya sa Pilipinas sa November 2022 at inaasahang babalik sa U.S. sa January 2023.