“It’s a scam!”
Ito ang natatawang reaksiyon ni Shaira Diaz sa rebelasyon ng kanyang asawang si Edgar Allan “EA” Guzman na natulog si Shaira matapos ang wedding reception nila noong Huwebes, Agosto 14, 2025.
Sa Unang Hirit ngayong Lunes, Agosto 18, kinumusta ng mga co-host ni Shaira na sina Arnold Clavio at Susan Enriquez ang first night nina EA at Shaira bilang mag-asawa.
Marami ang naghihintay sa sagot ng dalawa dahil tumatak sa isip ng publiko ang bahagi ng wedding vow ni Shaira para kay EA na “Magiging masaya ka na mamaya.”
Read: Shaira Diaz tells EA Guzman: "Magiging masaya ka na mamaya."
Bago isiniwalat ni EA na tinulugan siya ni Shaira, kinumusta muna siya ni Arnold.
Sagot ng aktor, “Napakasaya, Dyusko po!”

SHAIRA AND EA'S FIRST NIGHT
Dito na tinanong ni Arnold si EA kung naging "masaya" ba talaga siya sa unang gabi nila ni Shaira.
Pagbabahagi ni EA: “Magiging honest ako pero grabe yung ngiti ko talaga.
“Pero nung first night, tinulugan ako!
"Pero naiintindihan ko naman kasi talagang ang aga niyang nagising. Di ba, nasa live ka pa noon [ng Unang Hirit]?” sabi ni EA kay Shaira.
Paliwanag naman ni Shaira, “Kasi hindi ko na maramdaman yung buong katawan ko, sobra. Ang pangit naman…”
Inawat ni Arnold si Shaira sa pagsasalita dahil baka raw may mga batang nanonood sa kanilang pag-uusap.
Pagpapatuloy ni EA, “Pagkauwi namin ng bahay, iba yung… ramdam namin sa isa’t isa na iba na yung…
"Kakaibang spark. Basta kakaiba."
Dugtong ni Shaira, “Palagi ko siyang pinapalo. Lagi kong inaamoy. Parang ang clingy [ko].”
Read: EA Guzman and Shaira Diaz now married
TWELVE YEARS VS FIRST NIGHT
Tinanong din ni Arnold ang bagong kasal tungkol sa pagkakaiba ng labindalawang taon sa isang gabi.
“Magical” ang sagot ni EA, na naghintay ng labindalawang taon dahil iginalang niya ang pagkababae ni Shaira at ang kanilang kasunduang walang pre-marital sex.
Dagdag niya, “Ang sarap sa pakiramdam nung first day namin as husband and wife, talagang kapag nagkakatitigan kami, ngingiti lang kami parehas sa isa’t isa.”
Sabi naman ni Shaira: “Ang saya, nakakakilig po.
"As in talagang tuwing titingin ako sa kanya, laging ‘Mag-asawa na tayo? Mag-asawa na tayo?’
“'Asawa' na yung tawag ko talaga so ang sarap-sarap sa pakiramdam.”
Read: Shaira Diaz, EA Guzman still practice celibacy on their 12th year