Post ni Elizabeth Oropesa tungkol sa pagbibigay tulong sa mga karapat-dapat, patama kay John Regala?

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2020
Elizabeth Oropesa (left): "It is unfortunate that we chose to help people who were given many opportunities to have a good life, nagkapera, sikat pero winaldas, nag-drugs, alcohol at iba pang bisyo." Was she alluding to (right) John Regala?
PHOTO/S: Facebook

Para kay Elizabeth Oropesa, mas may karapat-dapat tulungan kesa sa mga nagkaroon ng magandang biyaya pero winaldas lang sa masasamang bisyo.

Walang binanggit na pangalan ang veteran at multi-awarded actress sa Facebook post nito tungkol sa mga taong karapat-dapat tulungan.

Pero malinaw na si John Regala at ang pagiging pasaway nito bilang pasyente ang kanyang tinutukoy.

Bago naglabas ng saloobin si Elizabeth, nagkomento muna siya sa isang Facebook post tungkol sa pagpupumilit ni John makalabas ng ospital, kahit hindi pa lubusang magaling.

Pahayag ng aktres, "Sana po bigyan natin ng tulong ang mga masisipag na nawalan ng trabaho at may pagpapahalaga sa kanilang buhay.

"Hindi ang mga taong binigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang biyaya pero winaldas lang sa ipinagbabawal na gamot, alak at bisyo.

"Kawawa ang mga pobreng walang tumutulong kahit mabubuting tao."

Tila hindi nakuntento si Elizabeth kaya muli siyang naglagay sa kanyang Facebook page ng similar post.

Continue reading below ↓

Humingi muna ang aktres ng paumanhin bago ito nagbulalas ng obserbasyon niya tungkol sa mga taong naging pabaya at nagkaroon ng masasamang bisyo noong kasikatan nila, pero sila pa rin ang nakakatanggap ng tulong nang maghirap at nagkasakit.

Mensahe niya (published as is): "Ipagpatawad ninyo. Personal opinion ko po ito.

"It is unfortunate that we chose to help people who were given many opportunities to have a good life, nagkapera, sikat pero winaldas, nag-drugs, alcohol at iba pang bisyo.

"Samantalang ‘yung mga pobre na masisipag, mahal ang pamilya, mababait at walang bisyo pero naghihirap ngayon ng husto dahil walang hanap-buhay ay madalas hindi nakatatanggap ng tulong dahil hindi kilala ang pangalan. Walang publicity.

"Itong mga walang pagpapahalaga sa nakamtan nilang biyaya na galing sa langit, madalas pag bumuti ang pakiramdam pagkatapos nating tulungan, balik ulit sa bisyo hanggang mamatay o mahuli ng pulis at makulong ng tuluyan.

"Bakit ganun?

"Ipino-post natin at nagsu-solicit tayo, milyon nga ‘yung isang binayaran sa hospital, na-ospital dahil inatake ng dahil sa ipinagbabawal na gamot!

Continue reading below ↓

"Then, after being helped..ayun! Balik sa bisyo, nakakulong ngayon,” ang sabi ni Elizabeth, na tila ibang tao na ang tinutukoy.

Ayon pa sa aktres, "Life is not fair. Naisip ko lang ito. Wala lang. Naawa lang ako sa mga dapat matulungan na hindi natutulungan.

"Sana bigyan naman ng halaga ng mga may pangalang tao ang mga tulong na ibinibigay sa kanila. Ang swerte nila!

"At sana, medyo bigyan na ng priority ng mga matulungin na magbigay ng tulong sa mga mas karapat-dapat."

Diin ni Elizabeth, "Personal ko pong opinion ito."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elizabeth Oropesa (left): "It is unfortunate that we chose to help people who were given many opportunities to have a good life, nagkapera, sikat pero winaldas, nag-drugs, alcohol at iba pang bisyo." Was she alluding to (right) John Regala?
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results