Ang snare drum ang pinagmulan ng kakaibang pangalan ni Esnyr Ranollo, ang aktor at social media personality na naging housemate sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.
Sila ng ka-duo niyang si Charlie Fleming ang itinanghal na Third Big Placer sa Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition noong July 5, 2025.
Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB Celebrity Collab Edition
THE ORIGIN OF ESNYR'S NAME
Sa eksklusibong pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Esnyr nitong Miyerkules, Hulyo 16, 2025, ikinuwento niya na ang kanyang amang si Marcelino "Jhun" Ranollo ang nakaisip ng unique na pangalan niya.
Lahad niya: “Yung papa ko po kasi into arts po talaga siya. Band instructor din ang papa ko.
"At favorite niya ako na pangalanan sa isang instrumento, yung snare drums, kaya ginawa niya akong Esnyr John.
“From snare drums po ang pangalan ko at nagkataon lang na ang ingay ko rin, parang yung snare drums.
"Dun po nag-start yung Esnyr."
Read: Esnyr reunites and reconciles with his father inside PBB house

IS ESNYR RELATED TO BEA ALONZO?
Madalas ding tinatanong si Esnyr kung kamag-anak niya si Bea Alonzo dahil Ranollo rin ang apelyido ng ina ng aktres na si Mary Anne.
Kagaya ni Esnyr, natural din ang pagiging komedyante ni Mary Anne.
“I got that a lot. Wala po talaga, sana!
"I feel like sa mukha meron! Sana, sana po...
"But yes, I take pride na same kami. May similarities kami ni Miss Bea!" napatili at malakas ang boses na reaksiyon ni Esnyr.
Ang pamilya ni Esnyr ay mula sa Digos, Davao del Sur; samantalang tubong-Taguig City naman ang ina ni Bea.
Read: Did Bianca de Vera just "taping friend" zone Will Ashley?

ESNYR RANOLLO AND JOSE RIZAL
Buhat nang maging popular si Esnyr dahil sa partisipasyon nito sa PBB Celebrity Collab Edition, marami ang nagsasabing kahawig niya ang Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal kaya kumalat ang mga meme tungkol sa kanila.

"Ewan ko ba, bakit nga ba?" ang nagtatakang balik-tanong ni Esnyr sa Cabinet Files tungkol sa madalas na pagkukumpara sa kanya kay Rizal.
“Ewan ko po, siguro dahil sa hairstyle. Parang kulang na lang, ilagay ako sa piso na coin.”
Read: Vice Ganda teases Shuvee and Fyang about "best PBB batch"
ESNYR AND JODI STA. MARIA
Nagliwanag naman ang mukha ni Esnyr at tuwang-tuwa sa mga obserbasyong habang tumatagal, mas nagiging kahawig niya ang aktres na si Jodi Sta. Maria.
“Jodi Sta. Maria? Yes, yan ang gusto ko, Miss Jodi Sta. Maria, hindi si Jose Rizal!
“May mga nagsabi po sa akin na kamukha ko si Miss Jodi nung nagsusuot ako ng wig.
"Sabi nila, medyo kahawig ko si Miss Jodi, kulang lang ako ng ilang ligo.
"Pero yes, sige, delusional akong tao, I will take that,” ang aliw na aliw na pahayag ni Esnyr.

Pangarap daw ni Esnyr makilala nang personal si Jodi at kapag nangyari ito, titiyakin niyang magkakaroon sila ng litratong magkasama.
“Hindi pa po kami nagmi-meet nang personal. I am looking forward po. Magpapa-picture talaga ako sa kanya para matingnan natin, ma-compare!”
Read: RaWi, natuwa sa mga bansag na "Saing King" at "Nation's Son"