Napaluha si Heart Evangelista sa kanyang guesting sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes, Abril 9, 2026, dahil binanggit ng host na si Boy Abunda ang pagtulong na ginagawa ng aktres para sa komedyanteng si Ate Gay.
Si Ate Gay ay na-diagnose na may Stage 4 cancer.
Sa panayam ni Boy kay Ate Gay noong Martes Santo, Marso 31, ikinuwento ng komedyante na isa si Heart sa mga tumutulong sa kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng monthly allowance.
Read: Ate Gay, itinuturing na himala sa buhay niya sina Chaye at Heart
Ikinagulat daw ni Heart ang rebelasyon ni Ate Gay.
Saad niya: “Actually, nagulat ako na binanggit niya kasi we’ve never met, like, after. And never kami nag-usap talaga.
“Trivia yung sinabi niya na nag-usap kami, kausap niya yung assistant ko, tapos after that, kinausap niya ako.
“Gusto lang niya magpasalamat, pero hindi niya alam na ako yon.
"Kasi, for me, it’s sad, but I‘ve not given so much thought of it.
"But there’s always going to be color in whatever we do as public people. But my points in heaven are far more important.
"Again, I said earlier, now you see, now you don’t. One day this can be a backtrack of how I was at a specific time.
“Life is too short. Mas importante sa akin yung points ko sa heaven, so nagulat ako nung sinabi niya.”
Hindi lamang si Ate Gay ang tinulungan ni Heart dahil noong co-host pa ito ng StarTalk, ang defunct showbiz-oriented talk show ng GMA-7, siya rin ang nagpagawa ng pustiso ng utility man na si Wally Zurbito.
Sa loob ng matagal na panahon, bungi si Wally. Pero isang araw, nagulat ang mga kasamahan niya sa trabaho dahil may ngipin na siya.
Matagal na panahon ang lumipas bago natuklasan ng staff ng StarTalk na si Heart ang gumastos para magkaroon ng pustiso si Wally dahil hindi nagsalita ang dalawa.
Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" ng kanilang relasyon sa Thailand?
HEART EVANGELIST VALUES HER POINTS IN HEAVEN
Masasabing wala binubuhay na sariling pamilya si Heart kaya nagagawa niyang makatulong sa iba, sa pinansiyal na paraan.
Si Heart ay kasal kay Senator Chiz Escudero, na may dalawang anak mula sa dati nitong asawa. Wala pang sariling anak sina Heart at Chiz.
Aniya: “But of course, like what I said, thankful ako na wala akong binubuhay na pamilya talaga. Okay naman ang mga magulang ko...
"May anak ako, pero technically, yung talagang responsibilidad ko talaga yung sarili ko. Lahat ng kung anong meron ako.
"And dressing up isn’t just para maging fashionista ka.
"I’m dressing up because I’m dressing up something that’s more valuable, which is my soul.
“And so, really, I do what I do is because I have my own goals in life."
Bagamat hindi raw siya kumportable sa pagsisiwalat ni Ate Gay sa ginagawa niyang tulong dito, nagpapasalamat pa rin ang aktres.
Ani Heart: "And I felt uncomfortable na sinabi niya, pero salamat din kasi iba rin pala marinig na nagpapasalamat sa yo ang tao.
“Kasi most of the time, people don’t really know it’s me, so I really appreciate. And in fact, never ko na-confirm sa kanya na ako yon, e.
“Na-touch ako kasi I work hard not just for me, but for a purpose, and for me to write a story that would be so great to read one day when I’m no longer here.
“But for now, I will leave it at that, kasi yung points ko talaga in heaven pinakaimportante sa akin."
Dagdag pa ni Heart: “You’re blessed to be a blessing. It’s very selfish for you to just think of yourself.
"I always believe in that, that’s why I dream big not just for myself.
“Na-touch ako kasi hindi ko talaga ine-expect. Nagulat talaga ako kasi parang ang daming nagta-tag sa akin.”
Tanong ni Boy sa kanya, “What do you wanna tell yourself?”
Sagot ni Heart: “I’m so proud of you. In fairness naman sa kaartehan ko, may narating, di ba?
“Maarte ako pero mabuting tao.
"Hindi ka kailangang intindihin ng maraming tao kasi only you know what all of these can bring to a specific purpose and goal, that a book that you’re writing, that only when you passed people might be able to read.”
Read: Xyriel Manabat to take action against TNVS driver over lewd comments