PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former actor Hector Gomez dies; son Thor Gomez joins showbiz

‘90s sexy actor Hector Gomez dies of lung cancer
by Jojo Gabinete
Published Dec 11, 2022
hector gomez son thor gomez
Thor Gomez (right) on late father, '90s actor Hector Gomez (left): “Nagsimula ang pangarap kong maging artista nang mapanood ko ang pelikula ni Papa, at nang ikuwento niya sa akin ang kanyang mga experience sa taping at shooting na parang sobrang saya kaya ginusto ko ring gawin balang-araw. I was inspired by his stories and movies lalo na noong bata pa ako. Naalaala ko na kinilig ako at sobrang proud nang una kong mapanood si Papa sa TV."
PHOTO/S: Regal Films / @thorgomezvii on Instagram

Lung cancer ang ikinamatay ng former Regal Films actor na si Hector Gomez, na ipinakilala noong 1996 sa pelikula na Nights of Serafina.

Sumakabilang-buhay si Hector noong December 7, 2022. Siya ay 48.

hector gomez dies

Ito ay ayon sa kanyang anak na si Hector Luis Patrick, aka Thor Gomez, ang aspiring actor at former Bidaman grand finalist na contract star na ngayon ng Viva Artists Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala si Hector bilang "Richard Gomez look-alike" nang pumasok siya sa showbiz dahil marami ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig niya sa aktor na sikat na sikat noong dekada ’90.

“Lung cancer was the cause of death of my father dahil noon pa man, smoker na talaga si Papa," banggit ni Thor sa panayam ng Cabinet Files.

“He died last December 7. Morning yun at kakauwi ko lang galing sa taping. He was 48 years old."

Hindi ipinagkaila ni Thor na nagkaroon sila ng si pagkakaunawaan ng kanyang ama ngunit nagkaayos na sila bago ito pumanaw.

“We’re already on good terms before pa lumalala ang sakit niya.

"Ipinatawag niya kaming magkakapatid and he asked for forgiveness dahil sa kanyang mga pagkukulang. We all cried that night," madamdaming kuwento ni Thor tungkol sa mga huling sandali ng buhay ng kanyang ama.

Inihatid sa huling hantungan ang cremated remains ni Hector sa Manila North Cemetery nitong Linggo ng hapon, December 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HECTOR SUPPORTED THOR'S SHOWBIZ CAREER

Nagkaroon man sila noon ng mga hindi pagkakaunawaan, suportado ni Hector ang pagpasok ni Thor sa showbiz.

Hindi nagkulang ang dating aktor sa pagbibigay ng mga pangaral at paalaala sa kanyang anak na sinusundan ang mga yapak niya bilang artista.

Ayon kay Thor, “My showbiz career started in July 20, 2019 noong sumali ako sa Bidaman ng It’s Showtime.

“Naalaala ko pa na sobrang kabado ako noon dahil first time kong sumali sa isang nationwide television contest. Sa kabutihang-palad, nanalo naman po ako sa weekly at umabot sa grand finals, na napakalaking bagay para sa akin.

“I am so thankful for the experience dahil ang It’s Showtime ang nagbukas para sa akin ng maraming pinto at bagong mundo.

“Natutunan kong sumayaw, kumanta, at umarte na malaking tulong sa self-confidence ko.

“Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Papa sa akin na, ‘Hindi porke natalo ka sa Bidaman, e, wala na. Simula na ‘yan na magkakaroon ka ng magagandang experience, papasok ang mga raket at offers, makakasalamuha mo ang mga taong malalaki ang pangalan. Pero tandaan mo lang palagi na kahit sino pa ang mga makakatrabaho mo, utility, personal assistant o utusan, pakisamahan mo sila ng parehas at patas. Respeto sa lahat!’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yan ang hindi ko malilimutan na sabi ni Papa kaya naramdaman ko ang buong-buo na suporta niya sa akin.

"Hindi showy si Papa pero na-feel ko ang kanyang suporta.”

Ang makilala bilang basketball player ang pangarap ni Thor noong bata pa ito, pero nagbago ang kanyang ambisyon nang mapanood niya ang isa sa mga pelikula ni Hector.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “Nagsimula ang pangarap kong maging artista nang mapanood ko ang pelikula ni Papa, at nang ikuwento niya sa akin ang kanyang mga experience sa taping at shooting na parang sobrang saya kaya ginusto ko ring gawin balang-araw.

“I was inspired by his stories and movies lalo na noong bata pa ako. Naalaala ko na kinilig ako at sobrang proud nang una kong mapanood si Papa sa TV.

“Papa and I used to watch his old movies when I was young. Halos naging bonding time talaga namin ang panonood ng movies.

"Dahil mga sexy movie ang project niya noon, tinatakpan ni Papa ang mga mata ko kapag may mga scene na Rated SPG,” pagbabalik-tanaw ni Thor sa masasayang nakaraan nila ng kanyang pumanaw na ama.

hector gomez old photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hector Gomez during his prime

Si Monching Tabuldan ng Viva ang lumapit at nagkumbinsi kay Thor para pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA), ang talent management arm ng Viva Entertainment. Mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga proyekto niya.

Kuwento ni Thor, “Mama Monching Tabuldan approached me about going and signing to Viva when I was still in Showtime.

“At first, nagulat ako dahil isa ang Viva sa mga pinakasikat at kilala na movie company. I was hesistant because of the big stars under Viva. Parang nakakakaba na baka hindi ko kayanin ang papasukan ko.

“Years later, Mama Monching and I chatted again about it and that’s when I made my decision to sign with VAA last May 24, 2022.

“Thank God, I have movies under Viva like Pabuya, Baby Boy, Baby Girl, at katatapos lang ng shoot namin for Lawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thor Gomez (right) on late father, '90s actor Hector Gomez (left): “Nagsimula ang pangarap kong maging artista nang mapanood ko ang pelikula ni Papa, at nang ikuwento niya sa akin ang kanyang mga experience sa taping at shooting na parang sobrang saya kaya ginusto ko ring gawin balang-araw. I was inspired by his stories and movies lalo na noong bata pa ako. Naalaala ko na kinilig ako at sobrang proud nang una kong mapanood si Papa sa TV."
PHOTO/S: Regal Films / @thorgomezvii on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results