Si Janine Gutierrez ang J.G. na tinutukoy sa teaser ng Star Magic Philippines na may caption na “Just a Glimpse of what’s to come“ at petsang "4.13.2026."

Ang Star Magic ang talent management agency ng ABS-CBN, at tungkol sa paglipat ni Janine ang post.
Read:
Dr. Manny Calayan recalls "illicit affair" that ended his marriage
HOW MUCH? Coachella experience for Filipinos
JANINE GUTIERREZ'S PREVIOUS MANAGERS
Ang LVD Artist Management Corp.ni Leo Dominguez ang namahala sa showbiz career ni Janine simula September 2017.
Binawian ng buhay si Leo noong Mayo 2024, pero siya pa ang nakipag-negotiate sa ABS-CBN noong lumipat si Janine taong 2021, panahon ng COVID-19 pandemic at isang taon matapos ibinasura ng kongreso ang franchise renewal ng Kapamilya network.
Bago nito, halos isang dekada siyang nagtrabaho sa GMA-7, kung saan naging ward din siya ng GMA Artists Center, ang talent management arm ng GMA Network Inc. na ngayon ay kilala bilang Sparkle GMA Artist Center.
WHY JANINE GUTIERREZ LEFT LVD
Isang malapit kay Janine na tinanong ng Cabinet Files tungkol sa paglipat ng 36-year-old actress. Anito, "Yeah, early this year pa."
Walang alam ang Cabinet Files source tungkol sa tunay na dahilan, pero iginiit niya na "maayos naman ang pag-alis ni Janine sa LVD.”
Hindi si Janine ang unang talent ng LVD Management na lumipat sa Star Magic.
Naunang umalis si Paulo Avelino matapos sumakabilang-buhay ni Leo.
Opisyal na inanunsiyo ng Star Magic ang paglipat ni Paulo noong Hunyo 2025.
Nagpaalam na rin sa LVD Management si James Blanco, na contract star na ngayon ng CreaZion Studios Artists.
Sina Charo Santos, Meryll Soriano, at Dolly de Leon ang ilan sa mga contract artists ng talent management agency na nangangalaga ngayon sa showbiz career ni James.
Samantala, nananating LVD talent si Lotlot de Leon, ang ina ni Janine.