Mga papuri ang tinanggap nina JM Ibarra at Fyang Smith mula kay Regal Entertainment Inc. Producer Roselle Monteverde at sa direktor na si Dan Villegas.
Mahusay kasi ang pagganap ng dalawang stars sa Almost Us, ang launching movie ng JFyang love team na mapapanood sa mga sinehan simula sa Mayo 6, 2026.
Ikinumpara ni Roselle si Fyang sa original Regal baby at multi-awarded actress na si Maricel Soriano.
Sa media conference ng Almost Us na naganap ngayong Linggo, Abril 12, sinabi ni Roselle: "Parang si Maricel si Fyang."
Tawang-tawa raw siya nang panoorin ang nabanggit na pelikula.
Ang sabi naman ni Dan, siya ang pumili kina JM at Fyang para magbida sa Almost Us dahil na-in love daw ito sa kanila.
First time napanood ni Dan si JM sa critically-acclaimed Cinemalaya movie na Child No.82.
"Na-in love ako sa dalawa,” ang rebelasyon ni Dan.
"Na-impress talaga ako sa Cinemalaya. Alam mo yung one of those times na nagsimula ka sa isang video tapos maya-maya 4 A.M. na pala tapos puro JM-Fyang yung pinapanood mo.
"Sabi ko, I really want to work with these kids.”

Kapwa nagpasalamat sina JM at Fyang kina Roselle at Dan dahil sa malaking oportunidad na ibinigay sa kanilang magbida sa Almost Us.
Read:
HOW MUCH? Coachella experience for Filipinos
Dr. Manny Calayan recalls "illicit affair" that ended his marriage
JM IBARRA AND FYANG SMITH: EXPECTATION VERSUS REALITY
Samantala, sa unang araw ng shooting, inasahan ni Fyang na mapapagalitan siya ni Direk Dan, pero maling-mali ang kanyang akala dahil hindi ito nangyari.
"Hanggang sa matapos yung eksena namin, masasabi ko na isa siya sa mga pinaka-chill at sobrang gaan na nakatrabaho ko.
"Sobrang hands-on talaga ni Direk Dan sa lahat ng bagay. Ultimo maliit na bagay, napapansin niya. Super grateful ako na first solo film namin ni JM, si Direk ang naghawak. Ang suwerte namin, sobrang nakakatuwa,” ang lahad ni Fyang.
Tulad ng kanyang leading lady sa Almost Us, matinding kaba ang naramdaman ni JM bago nag-umpisa ang shooting para sa nasabing proyekto.
"Personally kinakabahan ako noon kasi ramdam ko, may expectation. Nabalitaan ko rin yung naging feedback sa Cinemalaya, pero nagtiwala na rin ako kasi Direk Dan iyan.
"Nung sinearch ko yung IG niya, bumungad sa akin yung Gawad Urian. Hindi tayo puwedeng chill-chill lang dito. Paghusayan natin, pagbutihin natin.
"Iba kasi yung aura ni Direk kapag titingnan mo siya. Alam mo yung parang titingin pa lang siya, susunod ka na.
"Pero nag-enjoy ako sobra. Siguro sa tulong ni Direk Dan, pagkatapos namin i-shoot yung film, mas minahal namin yung craft namin,” ang kuwento ni JM.
Nagsimula ang JFyang sa Pinoy Big Brother: Gen 11 taong 2024.
Last year, nakasama ang dalawa sa horror franchise ng Regal, ang Shake Rattle & Roll: Evil Origins, na entry sa Metro Manila Film Festival 2025.