John Lloyd Cruz, pumayag nang magbalik-telebisyon at pelikula?

by Jojo Gabinete
Sep 25, 2020
Kung hindi nagkaroon ng pagbabago, nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ni John Lloyd Cruz (nasa larawan) at ang producer na si Albee Benitez tungkol sa gagawing proyekto ng aktor sa TV5 at pati na sa pelikula.
PHOTO/S: Facebook

Nagkakaroon na ng linaw ang pagbabalik ni John Loyd Cruz sa showbiz matapos ang desisyon niyang talikuran ang lahat at magpahinga mula pa noong last quarter ng 2017.

Reportedly, nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ni John Lloyd at former Negros Occidental Congressman Albee Benitez para sa comeback project ng aktor sa telebisyon.

Si Benitez ang big boss ng Brightlight Productions, isang production company na blocktime producer ng mga bagong programang mapapanood sa TV5 simula sa October 2020.

Kabilang dito ang noontime show na Laugh Out Loud, ang Rated Korina ni Korina Sanchez, ang sitcom na Oh My Dad, ang gag show na Sunday Kada Kada Sunday, at ang Sunday noontime show na Live@5: Ultimate Sunday Party.

Diumano, hindi lamang TV show ang alok ni Benitez kay John Lloyd.

Kasama rin daw sa kasunduang ipagpo-produce niya ng mga pelikula ang aktor na handa nang magbalik sa entertainment industry.

Kung hindi nagkaroon ng pagbabago sa plano, nakatakda noong nakaraang linggo ang pagpirma ni John Lloyd ng kontrata sa production company ni Benitez.

Continue reading below ↓

Nang magpasya si John Lloyd na mag-indefinite leave sa showbiz noong 2017, may mga kilalang movie producers nagtangkang kunin ang serbisyo ng elusive actor. Pero wala siyang tinanggap na proyekto dahil pinili niya ang pribadong buhay.

Kaya marami ang nagulat sa balita tungkol sa negosasyon nila ni Benitez para sa kanyang showbiz comeback.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung hindi nagkaroon ng pagbabago, nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ni John Lloyd Cruz (nasa larawan) at ang producer na si Albee Benitez tungkol sa gagawing proyekto ng aktor sa TV5 at pati na sa pelikula.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results