PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mike Enriquez returns to work after successful medical procedure

Mike Enriquez, magbabalik sa trabaho ngayong March 25.
by Jojo Gabinete
Published Mar 24, 2022
Tatlong buwan makalipas ang kanyang medical procedure, magbabalik na sa telebisyon ang veteran TV and radio anchor na si Mike Enriquez simula ngayong March 25, Biyernes.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ikagagalak ng mga tagasubaybay ni Mike Enriquez ang pagbabalik nito sa broadcast industry, tatlong buwan matapos ang kanyang medical leave.

Pansamantalang hindi napanood ang multi-awarded broadcaster sa mga programang 24 Oras at sa Imbestigador dahil sumailalim siya sa isang napakahalagang medical procedure noong December 2021.

Magbabalik na si Mike bilang host ng Imbestigador. Nakatakda siyang mag-taping bukas, March 25, 2022, para sa kanyang investigative docu-drama na napapanood tuwing Sabado sa GMA-7.

Ang mga spiel ni Mike para sa Imbestigador na hindi tatagal ng kalahating oras ang mga kukunan sa taping niyang magaganap sa GMA Network Annex building.

Matagumpay ang medical procedure kay Mike at mabilis ang paggaling niya kaya nakapunta na siya sa Cebu City noong nakaraang linggo para makiramay sa mga naulila ng kanyang kapwa broadcaster at DYSS station manager na si Bobby Nalzaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mike ang personal na nagbigay sa pamilya ni Bobby ng parangal o posthumous award ng Radio GMA Network Inc. para sa pumanaw na broadcaster.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tatlong buwan makalipas ang kanyang medical procedure, magbabalik na sa telebisyon ang veteran TV and radio anchor na si Mike Enriquez simula ngayong March 25, Biyernes.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results