Former 2NE1 member Minzy, sasabak na sa Philippine showbiz

by Jojo Gabinete
Nov 13, 2020
Plano sana ni Minzy na dumalaw sa Pilipinas, pero hindi ito natuloy dahil sa pandemic. Sa tulong ng Viva Artist Agency, ilulunsad ang showbiz career ni Minzy sa Pilipinas.
PHOTO/S: Instagram

Magkakaroon na ng Filipino version ang "Lovely," ang hit song ni Minzy.

Si Minzy ay South Korean singer na former member ng popular group na 2NE1, kung saan kabilang din si Sandara Park.

Nakatakda sa November 20 ang release sa lahat ng digital streaming platforms ng Tagalog version ng "Lovely" na mismong si Minzy ang umawit at hudyat ng pagsisimula ng solo career niya sa Pilipinas.

Nakilala si Minzy bilang multi-platinum South Korean artist at global K-pop sensation.

Nag-umpisa ang popularidad ni Minzy nang maging miyembro siya ng 2NE1, ang world-renown all-girl group na may malakas na hatak sa Pinoy fans.

Dahil sa kanyang exceptional talent, si Minzy ang naging main singer at rapper ng 2NE1.

Nagpaalam si Minzy sa 2NE1 noong 2016.

Nagsimula naman ang kanyang solo career noong 2017 nang maging number 2 sa Billboard World Albums chart ang kanyang single na "Uno."

Queen of Dance ang title ni Minzy sa South Korea dahil sa kanyang malakas na stage presence at husay sa pagsasayaw.

Continue reading below ↓

May plano si Minzy na bumisita sa Pilipinas, pero hindi ito natuloy dahil sa coronavirus pandemic.

May dahilan ang balak na pagpunta ni Minzy sa ating bansa dahil ang Viva Artist Agency ang mamamahala sa kanyang showbiz career sa Pilipinas, kasama ang Open Door Artist management at MZ Entertainment.

Naniniwala ang executives ng Viva, Open Door, at MZ Entertainment na excellent brand ambassador si Minzy dahil sa kanyang extraordinary talent at background.

Malaki rin ang posibilidad na gumawa si Minzy ng pelikula sa Viva Films, ang sister company ng Viva Artist Agency.

Dahil naudlot ang pagdalaw niya sa ating bansa, isang virtual conference sa susunod na linggo ang magaganap dahil gusto ni Minzy na ibahagi ang mga plano para sa showbiz career niya sa Pilipinas, pati na ang mensahe para sa Filipino fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Plano sana ni Minzy na dumalaw sa Pilipinas, pero hindi ito natuloy dahil sa pandemic. Sa tulong ng Viva Artist Agency, ilulunsad ang showbiz career ni Minzy sa Pilipinas.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results