PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pakistani news reporter, nag-viral dahil sa paglubog sa baha

Pakistani reporter, muntik nang matangay ng malakas na alon ng baha.
by Jojo Gabinete
Published Jul 22, 2025
pakistani reporter
Pakistani news reporter Ali Musa Raza goes viral for reporting about the deadly floods in Pakistan.
PHOTO/S: X (Twitter)

Nagdulot ng malawak at malalim na baha sa maraming panig ng Metro Manila at Luzon ngayong Martes, Hulyo 22, 2025, ang ilang araw na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ito ang dahilan kaya nasuspindi ang mga klase sa paaralan, ang pasok sa ilang mga tanggapan, at kanselasyon ng taping ng mga TV show tulad ng Family Feud Philippines ng GMA-7.

Read: Ina ni Paolo Tantoco, nagsalita na tungkol sa pagkamatay ng anak

Hindi nagkulang ang mga news programs sa paghahatid ng balita tungkol sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Crising at ng mapamerhuwisyong baha.

Napanood sa telebisyon at social media ang mga news reporter na hindi nagpatinag sa malakas na buhos ng ulan at hangin, sinugod ang baha para mag-ulat tungkol sa kalagayan ng mga apektado nating kababayan, at upang magbigay ng babala tungkol sa mga lugar na dapat iwasan.

Read: Resulta ng OPM Female Clones, inalmahan ng ibang Eat Bulaga! viewers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
gma news reporters
GMA Integrated News reporters (from left) Ivan Mayrina, Marisol Aduhraman, and Nico Waje.
Photo/s: GMA Integrated News

PAKISTANI REPORTER GOES VIRAL

Pero umaagaw ngayon ng atensiyon ng netizens ang ginawa ng Pakistani reporter na si Ali Musa Raza ng Ruhi TV.

Hindi lamang ang Pilipinas ang nakararanas ng pag-ulan at pagbaha dahil nangyari rin ito sa Pakistan at sa ibang panig ng mundo noong nakaraang linggo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mabilis na nag-viral ang video ni Raza habang nakalubog sa baha ang kanyang katawan at live ang pag-uulat niya tungkol sa sitwasyon sa distrito ng Sakhi Sarwar na bahagi ng rehiyon ng Koh Sulaiman, Pakistan.

Nabahala ang mga nanonood sa live report ni Raza nang maanod ito ng rumaragasang tubig baha dahil hindi na nakunan ng kamera ang mga sumunod na eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nawala lamang ang pag-aalala ng mga nanonood na baka namatay si Raza matapos malamang nagawa ng TV reporter na iligtas ang sarili mula sa pagkakaanod, na maituturing na himala.

May mga pumuri sa dedikasyon at paglilingkod na ipinamalas ni Raza bilang mamamahayag, pero tumanggap din siya ng batikos mula sa mga taong nagsabing hindi niya dapat isinugal ang buhay sa isang sitwasyong delikado na maaaring ikamatay niya.

May ilan ding nagduda kung totoo ang video na napanood nila o likha lamang ito ng AI na talamak ngayon. Ngunit pinatotohanan ng ilang news sites na authentic ang video ni Raza.

Read: Sleeping Prince ng Saudi Arabia, pumanaw na matapos ma-coma sa loob ng 20 taon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pakistani news reporter Ali Musa Raza goes viral for reporting about the deadly floods in Pakistan.
PHOTO/S: X (Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results