PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brutal na pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac, nakakagalit

Anak ng pulis sumigaw ng "My father is a policeman!" saka binaril ng pulis ang mag-ina.
by Jojo Gabinete
Published Dec 21, 2020
Pinag-uusapan ngayon ang brutal na pagpatay ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.
PHOTO/S: Twitter

Nakapanghihina, nakapangingilabot, at higit sa lahat, nakakagalit ang pamamaril na ginawa ng isang pulis sa mag-inang Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25.

Kinilala ang pumatay sa mga biktima bilang si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca, 46.

Nangyari ang karumal-dumal na pagpatay sa mga biktima sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac, kahapon, December 20.

Malinaw na nakunan ng video ang insidente na viral na ngayon.

Matibay itong ebidensiya laban sa brutal na pagpatay ni Nuezca, na residente rin ng Barangay Cabayaoasan pero nakadestino sa crime laboratory ng Parañaque City Police.

Police Staff Sergeant Jonel Nuezca (left), and Sonya Gregorio and son Frank Anthony Gregorio (right)

Sa panayam ng GMA News kay Police Lieutenant Colonel at chief of Parañaque Police Station Noriel Rombaoa, sinabi nitong nagsimula sa paputok ang kaguluhan dahil pinuntahan ni Nuezca ang mga biktima para sitahin.

Nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap ng magkabilang panig dahil naungkat ang matagal nang alitan nila tungkol sa right of way.

Makikita sa viral video ang pagsusumamo ng mga saksi kay Nuezca na maghunos-dili, pero point blank niyang binaril ang mag-ina matapos sumigaw ang kanyang batang anak na babae na “My father is a policeman!”

Bukod sa pagsigaw na pulis ang kanyang ama, sumali ang bata sa pananakit kay Sonya habang ibini-video niya ang nagaganap na kaguluhan.

Matapos ang pamamaril, tumakas si Nuezca, sakay ng motorsiklo. Pero makalipas ang ilang oras, sumuko siya at nagsabing pinagsisisihan niya ang pamamaril na ginawa.

Malayong-malayo ito sa kanyang inasal na walang-wala sa lugar na katapangan, walang katwiran, saksakan ng yabang dahil armado siya ng baril.

Mabilis na kumalat sa buong mundo ang video ng krimen kaya hindi nakaligtas si Nuezca at ang anak nito mula sa matinding galit at paghuhusga ng mga tao.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinag-uusapan ngayon ang brutal na pagpatay ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results