Nag-celebrate si Sanya Lopez ng kanyang 29th birthday kahapon, August 9, 2025.
Ginunita niya ang araw ng pagsilang sa pamamagitan ng paglalabas ng mga bagong larawan sa kanyang social-media pages.
Para sa kanyang posts, ginamit ni Sanya bilang caption ang Bible verse mula sa Psalm 18:3: "Another year unfolds, and still His hand equips me, strength woven into my days, grace guarding my every step.In His light I walk, in His power I rise, ready for the chapters yet to be written.”

SANYA LOPEZ, PARANG SI MARIMAR
Bumuhos ang pagbati mula sa mga kaibigan at fans.
May mga nag-comment na para siyang si Marimar, ang karakter na orihinal na ginampanan ng Mexican actress na si Thalia.
Mula sa nakalugay niyang buhok hanggang sa damit na ipinakita ang kanyang kaseksihan, babagay nga sa kanya ang role na unang ginampanan ni Marian Rivera sa Philippine adaptation ng tanyag na Mexicanovela.

SANYA LOPEZ'S NEW LOOK
May mga eyesore nga lang sa comments section.
Ilang netizens ang pumansin sa diumano’y pagbabago ng kanyang itsura.
Nag-umpisa ang mga tila walang kapagurang pagpuna kay Sanya nang dumalo ito sa GMA Gala 2025 na ginanap sa Manila Marriott Hotel at Newport World Resorts noong August 2.
Isang linggo na ang nakalilipas, pero hanggang ngayon, patuloy na nakakatanggap ang dalaga ng pamimintas mula sa mga taong hindi rin naman perpekto ang kaanyuan.
At talagang hindi pinalampas ang kaarawan ng Kapuso actress.
Kalabisan bang bumati at maki-join na lang sa good vibes?
At kung walang magandang masasabi, puwede namang tumahimik na lang, di ba, hindi iyong isisingit ang pangit na komento sa mga pagbati at papuri para sa dalaga.
Read: Lauren Dyogi on PBB’s enduring success: "Casting is key."