Sarah Geronimo, naging emosyunal habang kinakanta ang "Sana Ngayong Pasko"

by Jojo Gabinete
Dec 19, 2021
sarah matteo christmas with the g's
Sa online concert nila ni Matteo Guidicelli na Christmas With The G's, habang inaawit ni Sarah Geronimo ang kantang "Sana Ngayong Pasko" ay mapapansing tila kinontrol niyang mabuti ang sarili para hindi siya mapaiyak.
PHOTO/S: Vivamax Plus

Ang mapanakit at punumpuno ng hugot pero napakagandang version ni Sarah Geronimo sa OPM Christmas song na "Sana Ngayong Pasko" ang isa sa mga dahilan kaya dapat panoorin ang repeat streaming ng Christmas With The G’s, ang online Christmas concert nila ni Matteo Guidicelli, sa Vivamax sa December 24, 2021.

Napanood ang Christmas With The G's ngayong Sabado ng gabi, December 18, sa ktx.ph at sa Vivamax Plus.

Habang inaawit ni Sarah ang hugot song na pinasikat ni Ariel Rivera noong 1993, mapapansing tila kinontrol niyang mabuti ang sarili para hindi siya mapaiyak.

Pero sa saknong o stanza na “Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako / Hinahanap-hanap pag-ibig mo / At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako / Muling makita ka at makasama ka / Sa araw ng Pasko,” hindi na nabigkas ng singer-actress ang salitang “Pasko.”

Matapos ang pag-awit ni Sarah sa napaka-sentimental at ang sakit-sakit na bersiyon niya ng "Sana Ngayong Pasko," niyakap siya ni Matteo kaya nakapagsalita ang Popstar Royalty ng “Baka paiyakin mo.”

Continue reading below ↓

Nang maupo si Sarah sa sofa para pakinggan ang pag-awit ni Matteo ng "Pasko Na Sinta Ko," nahagip ng kamera ang tila pagpapahid niya ng luha.

Tungkol sa isang minamahal na lumayo na muling gustong makapiling sa araw ng Pasko ng nagmamahal sa kanya ang mensahe ng "Sana Ngayong Pasko."

Bago inawit ng mag-asawa ang mga sentimental na OPM Christmas song, tungkol sa pamilya na magkakalayo sa isa’t isa ang paksa ng pag-uusap nila, kaya ramdam na ramdam ng mga sumubaybay sa Christmas with The G’s ang pinagdaraanan ni Sarah.

Ani Sarah, “Love, Christmas is the happiest time of the year but, unfortunately, may iba po sa atin ay hindi magiging masaya ang pagse-celebrate ng Pasko.

"Marami sa mga kapwa natin ang nawalan ng mahal sa buhay, trabaho, ng pag-asa, ng inspirasyon, and there are also people who are away from their families this holiday season.”

“Babe, that’s very very true,” reaksiyon ni Matteo sa pahayag ng kanyang asawa.

Continue reading below ↓

“This is hard times, but at the end of the day, we would like to encourage each and everyone of you and us, baby, that through thick and thin, through all these challenges we go through, I think God has a bigger plan for all of us.

“You know, you’re a living proof of that. You show me how strong you are.

"You inspire me every day to whatever you go through, at the end of the day, you stand even taller than everybody else so maraming salamat for the inspiration.

“I guess, at the end of the day, this Christmas is a good reminder na we have to be thankful, stand up and be happy again and put joys in our heart and say thank you and be happy again.”

Matapos ang pagsasalita ni Matteo, sumagot si Sarah ng “Yes love, minsan pa rin mahirap maging positive, pero we need to focus, yung positive things, yung positivity. Because in God’s time, everything will be healed and will be right again.”

Continue reading below ↓

Inawit din nina Sarah at Matteo sa isang bahagi ng kanilang inspiring Christmas concert ang mga classic Christmas song na "Silent Night (Christ the Savior is Born)" at "O Holy Night."

Bentang-benta sa amin ang obserbasyon ng isang entertainment editor na nanood din ng Christmas With The G’s na talagang sinadyang "Silent Night" ang ipinakanta kay Matteo dahil may lyric na “Divine” sa "O Holy Night" na ipinaawit kay Sarah.

Divine ang pangalan ng ina ni Sarah.

At hindi kaila sa publiko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina mula nang ikasal sina Sarah at Matteo noong March 2020.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa online concert nila ni Matteo Guidicelli na Christmas With The G's, habang inaawit ni Sarah Geronimo ang kantang "Sana Ngayong Pasko" ay mapapansing tila kinontrol niyang mabuti ang sarili para hindi siya mapaiyak.
PHOTO/S: Vivamax Plus
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results