Ano ang kahulugan at kahalagahan ng Pasko para kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

by Jojo Gabinete
Dec 17, 2021
sarah matteo christmas
Sarah Geronimo (in photo, with husband Matteo Guidicelli): "Ang Christmas kasi may halo siyang saya at lungkot. Parang nasesenti ka kasi nga parang another year has passed. Parang nadadagdagan nang nadadagdagan ang edad. Parang umiikli nang umiikli ang buhay."
PHOTO/S: Viva Entertainment

Ibinahagi ni Sarah Geronimo at ng kanyang asawang si Matteo Guidicelli ang kahulugan at kahalagahan ng Pasko para sa kanila sa exclusive interview ng Cabinet Files.

Maliit na bata pa si Sarah nang matuklasan nito na ang mga magulang niya ang Santa Claus na naglalagay ng mga regalo sa mga medyas na isinasabit nila ng kanyang mga kapatid tuwing Pasko, at ito ang isa sa mga alaalang binalikan ng popular singer-actress.

“Maliit pa lang ako, alam ko nang yung parents ko ang naglalagay ng mga aginaldo sa medyas.

“Alam mo kung bakit? Kasi sasabihin ng daddy ko, 'O, check niyo yung medyas diyan.' E, di alam mo na, obvious…” sabi ni Sarah, kasunod ang kanyang signature hagikhik.

Sabi pa niya, “Noong bata ako, ang konsepto sa akin ng Christmas is receiving gifts, spending time with your relatives, having fun with your cousins, collecting aginaldos, yun lang.

“Yun talaga ang nilu-look forward ko every Christmas.

Continue reading below ↓

"Pero ngayong nagkaedad na tayo, it’s more of giving back and as much as you can, try to parang emulate yung generosity.

“Yung pagiging loving ni Lord sa atin sa entire human race, kahit kakapiranggot, e, meron kang mai-contribute sa mundo.

“Saka ang Christmas kasi may halo siyang saya at lungkot. Parang nasesenti ka kasi nga parang another year has passed.

“Parang nadadagdagan nang nadadagdagan ang edad. Parang umiikli nang umiikli ang buhay.

“Tumatanda tayo nang tumatanda, ngayon pa na merong pandemic. Mas lalo pang naging uncertain ang buhay.

"So, medyo senti, pero masaya pa rin.”

Para naman kay Matteo, ang Pasko ang nagpapaalala sa atin ng mga tunay na layunin natin sa buhay at higit sa lahat, pagpapasalamat sa Panginoong Diyos.

“It’s like being grateful,” sabi ni Matteo.

“Like what Sarah said, nung kabataan natin, it’s all about gift, et cetera, but now we’re married and we have more responsibilities in our life, it’s more about being grateful na we have time with our family.

Continue reading below ↓

“We have these moments with each other and just being grateful for the blessings and good health that we have.

“Christmas is a perfect time to just remind ourselves the purpose of why we live, why we do what we do, and be thankful of what we have and what’s there for the future.”

CHRISTMAS CONCERT

Ang online benefit concert na Christmas With The G’s ang handog nina Sarah at Matteo para sa lahat.

Mapapanood ito sa streaming sites na ktx.ph at Vivamax Plus bukas, December 18.

Malaking hamon para kay Matteo ang unang Christmas concert nila ni Sarah dahil sa mga Christmas song na kailangan niyang pag-aralan, hindi katulad ng kanyang misis na dalawang araw lang, memoryado na ang lahat ng mga kakantahin nila.

Saad ni Matteo, “For me, it’s very challenging, kasi it was a very short preparation time. So, for me, it takes a little more time.

Continue reading below ↓

“But in the end, sulit lahat. Super fun, super good energy. Good vibes.

“The gist of the whole show is to bring back those Christmas memories, Christmas carolling times na pumapasok yung mga nagka-carolling sa bahay, sa labas ng gate…

We really hope we can make your Christmas extra special this year with Christmas With the G’s. Abangan niyo po yung mga nagka-carolling sa bahay, sa labas ng gate,” ani Matteo.

“Kasi he had to learn new songs. Ako, luma na, e!” natawang reaksiyon ni Sarah sa sinabi ni Matteo na naging madali sa kanya ang paghahanda para sa kanilang Christmas special.

Ang buung-buong suporta ni Sarah para sa kanya ang ipinagpapasalamat ni Matteo kaya maganda ang kabuuan ng Christmas with the G’s.

Aniya, “Si Sarah, sa beginning pa lang, ‘Love, kaya mo ‘yan.’

“Sabi ko, 'Love, kaya ko ba ito?'

“Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan.’ That’s why nakayanan ko because of her support, her push.”

Continue reading below ↓

Hindi binanggit ni Sarah ang OPM Christmas song na kanyang tinutukoy, pero ipinagmamalaki niya ang version ni Matteo na isa sa mga dapat abangan sa kanilang Christmas concert.

“Our director, si Paolo Valenciano, he wanted Matt to sing this beautiful Christmas song, OPM.

"At dahil nga pressed for time kami, konti na lang yung time to prepare, parang, 'Kaya ba ‘yan?' Huwag na lang,” kuwento ni Sarah.

Sabi naman ni Matteo, “Natatakot ako.”

Patuloy ni Sarah, “Pero nung marinig namin yung kanta, ‘Ay, Love, bagay sa 'yo!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo (in photo, with husband Matteo Guidicelli): "Ang Christmas kasi may halo siyang saya at lungkot. Parang nasesenti ka kasi nga parang another year has passed. Parang nadadagdagan nang nadadagdagan ang edad. Parang umiikli nang umiikli ang buhay."
PHOTO/S: Viva Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results