Dalawampung oras na community service, six months probation, pagbabawal mag-stream at pagkakitaan ang oras ng serbisyo—ito ang mga parusang ipinataw sa American influencer na si Braden Peters, 20, na mas kilala sa pangalang Clavicular.
Mga kaso ng paglabag sa batas at pagpapaputok ng baril sa pampublikong lugar noong Abril 29, 2026, ang mga reklamo laban kay Clavicular.
Nakunan siya ng video habang binabaril ang isang buwaya sa Francis S. Taylor Everglades Wildlife Management Area.
Braden Peters ang tunay na pangalan ni Clavicular, ang founder ng kontrobersiyal na looksmaxxing.
Ang looksmaxxing ay online subculture na ihinahalintulad sa isang kulto dahil hinihikayat nito ang mga kabataang lalaki na pakinabangan nang husto ang kanilang pisikal na kaanyuan at gawing lalong kaakit-akit ang kanilang hitsura.
Naa-achieve umano ang looksmaxxing sa pamamagitan ng cosmetic surgery, paggamit ng lipodissolve products, at ang delikadong facial bonesmashing.
Read: Alan Peter Cayetano's barong designer reacts to memes, criticisms
JUDGE ARMAS "OUTMOGS" CLAVICULAR
Si Judge Marcus Bach Armas ng Miami-Dade County Court, Florida, ang naghatol ng parusa kay Clavicular noong Mayo 15, 2026.
Iniutos din ni Judge Armas na kumuha si Clavicular ng mga kurso tungkol sa firearm safety at wildlife protection mula sa Florida Fish and Wildlife Conservation Commission.
Hindi kinontra ni Clavicular ang misdemeanor charges sa kanya.
Pero naging malaking isyu ang paghaharap nina Clavicular at Judge Armas sa korte.
Nakuha ni Judge Armas ang atensiyon ng netizens.
Mainit ang usapan sa mga ito na nasapawan ng hukom ang influencer sa hitsura.
Laman ng social media ang kanyang natural na kaguwapuhan, na hindi raw nangangailangan ng looksmaxxing na isinusulong ni Clavicular.
Ang pambihirang interes sa hitsura ni Judge Armas ang dahilan ng pag-viral nito.
Nalaman din tuloy ng publiko ang ilang detalye sa buhay ng guwapong judge.
Siya ay Jewish-Cuban; 42 years old; at naninirahan sa Miami, Florida, kasama ang misis niyang si Lara, na isang litigation lawyer, at ang dalawa nilang anak.
Read: Singha beer heir Psi Scott accuses older brother of sexual abuse; Pi Scott denies claims