Ang balitang nagkaroon sila ng one-night stand ng isang sikat na international male singer ang itinuturing ni Wilbert Ross na isa sa pinakanatakatawang karanasan niya sa showbiz.
Wala raw itong katotohanan pero may mga taong naniwala.
Sa contract renewal ni Wilbert sa Viva Artists Agency (VAA) ngayong Martes, Hulyo 8, 2025, nagkuwento si Wilbert tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa fake news na kumalat.
Read: Sharon Cuneta, Senator Kiko Pangilinan withdraw suit vs. Cristy Fermin
Lahad ng actor-singer: “Isa sa pinaka-funny, biglang na-brought up yung pangalan ko out of nowhere sa isyung isa sa mga sikat na international singer, na-book daw ako ng one night, way way back.
“So parang, 'Ha? Saan nanggaling ‘yan? Saan nanggagaling yung reference?'
"Kasi nakita ko sa Reddit, sa Facebook, sa comments."
Letrang "S" lamang ang binanggit tungkol sa pangalan ng international male singer iniuugnay noon kay Will.
At dahil hindi raw totoo ang isyu, hindi pinatulan ni Wilbert ang tsismis na salat sa katotohanan.
“Dedma lang po. Wala naman any connection at all so parang dedma lang.
"Pero nakakatawa lang siya,” sabi ni Wilbert, na hindi umano nakaramdam ng pagkapikon.
Read: Elias J. Tv., naiipit na sa alitan ng kanyang partner at talent manager
WILBERT ROSS RENEWS CONTRACT WITH VAA
Sa muling pagpirma niya ng kontrata sa Viva Artists Agency, taus-puso ang pasasalamat ni Wilbert sa home studio nito dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang aktor.
Pahayag niya tungkol sa pag-aalaga sa kanya ng Viva: “Kaya nilang ipalabas yung kinang ng bato na rough kasi marami akong na-discover sa sarili ko because of Viva.
"Sila yung nagsabi sa akin na, ‘Puwede kang maging comedian.’
"Kahit nung time na yon, hindi ko alam. 'Ha, puwede ba talaga akong maging comedian?'
“Sila rin yung nagsabi sa akin na, ‘Huy, puwede kang maging leading man.’
“'Ha? Puwede ba talaga? Kaya ko bang maging leading man?’
“Parang nakita nila yung potensiyal ko, years ahead.
"So, grabe! Yun ang nagawa sa akin ng Viva.
"Kasi isa ako sa mga nawalan ng trabaho nung pandemic.
“Parang nasa isip ko, 'Wait lang, sumasayaw ako sa Showtime dati. Tapos wala na kami sa Showtime. Anong gagawin ko sa buhay ko? What’s next?'
"E, hindi naman ako kinukuha sa mga project.
"And then, Viva came. Binigyan nila ako ng opportunity at naniwala sa akin, sa talent ko.”
Para kay Wilbert, blessing in disguise ang pagkuha ng VAA sa kanya bilang talent noong 2020 kaya ginagawa niya ang lahat para hindi mabalewala ang mga oportunidad na natatanggap niya.
“Blessing in disguise. Kumbaga, may nawala, meron naman darating and much more pa siya.
"So, nung binigyan ako ng opportunity ng Viva, hindi ko na sinayang.
“Sinipagan ko na lagi sa lahat ng mga ibinibigay nila sa akin na trabaho.
"Lagi kong pinapatunayan na every project na meron ako, and I am so thankful sa part na yon," sabi ni Wilbert.
Read: Misis ni Emil Sumangil, nanawagan ng dasal para sa kaligtasan ng 24 Oras anchor