Ang huling pelikula ng former child actress na si Xia Vigor ay ang Miracle in Cell No. 7, na napanood sa mga sinehan noong Disyembre 2019.
Sampung taon ang edad ni Xia nang gawin nila ni Aga Muhlach ang Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7, na topgrosser sa 45th Metro Manila Film Festival.
Read: Xia Vigor to join Aga Muhlach in Pinoy edition of Miracle in Cell No. 7
Pagkatapos nito ay nagpasya ang kanyang inang manirahan sila sa Occidental Mindoro dahil sa COVID pandemic na nagsimula noong Marso 2020.
Read: Xia Vigor, may wais quarantine tips sa kapwa kabataan
Sa Occidental Mindoro ay naranasan ni Xia ang normal na pamumuhay ng isang bata.
Kuwento ni Xia, “Actually, after po ng Miracle in Cell No. 7, noong nag-pandemic, nag-decide po ang mommy ko na pumunta muna kami ng province, which is I am really grateful sa desisyon niya na yon.
"Kasi, parang nung bata pa siya, may mga experience siya, like climbing trees, nakakapag-bike around the village. Tapos tabing-dagat din yung bahay namin sa Mindoro.”
Read: Xia Vigor enjoying COVID-free life in Mindoro; discovers love for pagtatanim
Patuloy niya, “Sobrang grateful ako na during the pandemic, nandoon kami, COVID-free yung village na yon.
“Naranasan ko to be outside of the movies and the industry for a little while.
“Marami akong natutunan sa ginawang desisyon ni Mommy.
"Pero after ilang years kami na nag-stay doon, my mom asked me kung gusto ko pang mag-artista or we can just go back to England and mag-school ako doon.”
Pinili ni Xia manatili sa Pilipinas dahil sa pagmamahal niya sa kanyang acting career.
“Sinabi ko sa kanyang hilig ko talaga, passion ko rin talaga ang acting and being part of the industry.
"Alam ko rin na kapag actor ka, mas nabibigyan ka ng voice or influence sa social media. So, gusto kong i-take yung opportunity ko na may mga platform ako to inspire other people and the youth.
“Sana ngayon, magtuluy-tuloy na rin na may movies uli tapos may mga project po ulit,” saad niya.
Fourteen years old na ngayon si Xia.
Ganap na siyang dalagita at muling nagbabalik sa pelikula bilang anak ni Janno Gibbs sa Itutumba Ka ng Tatay Ko.
Read: Xia Vigor wishes to play Princess Sarah and star in horror movie