Mahigit sa isang taon hindi nakausap at nakita nang personal ng entertainment press si Xian Lim dahil naging abala ito sa ibang mga bagay, tulad ng pagiging piloto niya.
Muling nakasalamuha ng showbiz media si Xian nang ipakilala ito bilang direktor ng Project Loki kahapon, Oktubre 14, 2025.
Ang Project Loki ay ang popular Wattpad webtoon detective series na mapapanood sa Viva One at Cignal Play.
Tinanong si Xian kung alin para sa kanya ang higit na fulfilling — ang maging aktor, piloto, o direktor?
“Napakahirap ng tanong,” reaksiyon ni Xian.
"Mahirap i-compare at sabihin na one is better than the other.
“But what I could say is I feel at home... I feel my heart is at its happiest every time I am behind the camera."
Read: Kathryn Bernardo's Influential award draws mixed reactions from netizens
DIRECTOR XIAN LIM ON IMPARTING HIS EXPERIENCES TO THE CAST
Ang Project Loki ay pinangungunahan nina Marco Gallo, Jayda Avanzado, at Dylan Menor.
Kasama rin ang mga baguhang sina Yumi Garcia, Martin Vinegas, Joanna Lara, Love Yauco, Michael Keith, M Drew, Kent Domingo, Iven Lim, Ashley Diaz, at Kurt delos Reyes.

Gusto raw ibahagi ni Xian sa cast ang mga naranasan niya bilang isang artista.
Saad ng actor-director: "I wanna be able to impart with them kung ano yung mga pinagdaanan ko rin in the acting process.
“Ang mga gusto ko na i-impart sa kanila would be the experiences that I encountered.
"Siyempre, nadapa. Ilang beses na rin akong nadapa in my journey in my acting career.
“Maraming beses na rin akong napagalitan on set, nasigawan.
"Maraming beses akong hindi nakapag-perform, tinanggal ako sa mismong project."
Patuloy niya: “It’s my job here to guide them para hindi sila maligaw.
"Ini-explain ko rin sa kanila na, as a director, iba-iba yung sensibilities namin, so iba-iba yung directors na makakasalamuha nila.
“That’s my promise to them na aalagaan kong mabuti yung characters nila, and I will make sure po na each character will shine for this project.”
Dagdag ni Xian tungkol sa cast: "They are very excited. Sobra nilang eager and they’re all passionate.
“They’re stars in the making, diamonds in the rough. I am very proud para sa kanilang lahat.”
Read: Post ni Wanda Tulfo-Teo sa victims ng lindol sa Davao Oriental, binatikos
XIAN LIM ON THE CHALLENGES OF BEING A DIRECTOR
Hindi pa nagsisimula ang taping ni Xian para sa Project Loki, pero alam na raw niya ang mga hamong kakaharapin bilang direktor ng proyekto.
Saad niya: “First and foremost, karamihan sa cast, it would be their first or second project.
"So, it’s a challenge and a blessing as well, I would say, kasi hindi pa nahahaluan ng bad habits, kasi sometimes we develop that.
“But yun ang kagandahan ng, I would say, fairly new in the industry.”
Isang malaking biyaya raw para kay Xian na siya ang napili bilang direktor ng Project Loki.
Noong nag-uumpisa pa lamang ang kanyang acting career, may malakas na pakiramdam na raw siyang pagiging direktor ang landas na tatahakin niya.
“Laking pasasalamat din po yung dumadaan sa puso’t isipan ko ngayon, because I knew very early on sa career ko as an actor, I had the calling and I’ve always wanted to write and direct.
“Being given this opportunity means a lot para sa akin. It feels great to be the director of Project Loki.
“So ako, I’m looking forward to, una sa lahat, magsimula na yung shoot ng Project Loki because we’re more than ready na mag-principal photography for this.
“The fans are also waiting, I’ve been reading yung reactions online.
"And para sa akin, we just wanna give justice, we just wanna stay true to the source material.
“Hindi lang basta kinuha ang Project Loki tapos iibahin namin yung kuwento. We will do our best to execute as close as possible.
“This is an adaptation so makikita ninyo in the flesh yung mga paborito ninyong characters."
Read: Vico Sotto to "dishonest" Pasig City barangay officials: "Enough is enough."
View this post on Instagram