Yassi Pressman, magpapaalam na sa Ang Probinsyano pagkatapos ng apat na taon; Jane de Leon, papasok

by Jojo Gabinete
Dec 24, 2020
Sa pag-alis ni Yassi Pressman (kaliwa) sa FPJ's Ang Probinsyano, papasok naman ang karakter ni Jane de Leon (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel

Tiyak na mami-miss ng Kapamilya viewers ang karakter ni Yassi Pressman sa FPJ's Ang Probinsyano.

Makalipas ang apat na taon, magpapaalam na siya sa longest-running primetime series ng ABS-CBN.

August 2016 nang bigyang-buhay ni Yassi ang karakter ni Alyana Arevalo, ang TV news reporter na nakarelasyon at naging asawa ni Cardo Dalisay, ang lead character ng Ang Probinsyano na ginagampanan ni Coco Martin.


Continue reading below ↓

Nasanay na ang televiewers na gabi-gabing napapanood si Yassi sa Ang Probinsyano kaya siguradong mangungulila sila sa presence ng aktres.

May mga project na gagawin si Yassi para sa kanyang home studio, ang Viva Films, sa 2021.

Sa pag-alis ni Yassi sa Ang Probinsyano, ang Darna star na si Jane de Leon ang bagong cast member at posibleng maging love interest ni Coco Martin.

Ang taping ng Ang Probinsyano ang pagkakaabalahan ni Jane bago nito simulan ang long overdue na Darna, na isa nang TV series at hindi na pelikula.

Gagampanan ni Jane sa Ang Probinsyano, ang role ni Police Captain Natalia Mante.


Continue reading below ↓

"Bagong leading lady ni Coco" ang introduction kay Jane ni Kim Chiu sa pre-show interview ng Christmas special ng ABS-CBN noong Linggo, December 20, 2020.

Masaya siya sa hindi inaasahang pagiging cast member niya ng Ang Probinsyano ang reaksiyon ni Jane dahil kahit sino, gugustuhin umanong maging bahagi ng five-year-old drama action series ni Coco.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pag-alis ni Yassi Pressman (kaliwa) sa FPJ's Ang Probinsyano, papasok naman ang karakter ni Jane de Leon (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results