Ipinagdiwang ni Yassi Pressman ang kanyang 27th birthday noong May 11, 2022.
Ang pagiging number one sa Netflix Philippines ng More Than Blue ang isa sa mga sorpresang regalo na natanggap niya.
Si Yassi ang lead actress sa Philippine adaptation ng 2009 South Korean film na More Than Blue.
Read: Yassi Pressman, bida sa Pinoy movie remake ng More Than Blue
Unang ipinalabas sa Vivamax ang Filipino version ng More Than Blue noong November 19, 2021, at nagsimula ang streaming nito sa Netflix noong May 1, 2022.
Hindi nawala sa Top 10 movies ng Netflix Philippines ang More Than Blue hanggang maging number one ito kaya lubos ang pasasalamat ni Yassi sa lahat ng mga tumatangkilik sa pelikulang pinagbibidahan nila ni JC Santos.
Mensahe ni Yassi sa kanyang Instagram post kahapon, May 15: “[I am] overwhelmed with the new trend of people taking videos of their friends and themselves while watching our film.
“Honestly poured our heart and soul into this movie and if you knew what I was carrying as an actor at that time it would probably move you even more.. this was an outlet for me.
“It wasn't easy, it was physically, mentally and emotionally draining but it was ALL worth it.”
Inihahandog ni Yassi ang tagumpay sa Netflix Philippines ng More Than Blue sa kanyang ama na sumakabilang-buhay noong February 2020.
Hindi lamang ang mainit na pagtanggap ng Netflix viewers sa More Than Blue ang nagpapasaya kay Yassi dahil magbabalik na rin ang Season 2 ng kanyang top-rating game show sa TV5, ang Rolling In It Philippines.
Nagsimula noong Abril 2022 ang taping ni Yassi para sa Rolling In It Philippines Season 2 na muling mapapanood sa Kapatid Network sa May 28, pagkatapos ng Masked Singer Pilipinas.