Ashes will be sprinkled on the head, can be taken home in sachet for family members

by Jet Hitosis
Feb 16, 2021
Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ (CBCP) Episcopal Commission on Liturgy Head, Baguio Bishop Victor Bendico, says those who would not be able to physically attend Ash Wednesday mass on February 17, 2021 could request a sachet containing blessed ashes and “impose it to their families” as they attend online mass.
PHOTO/S: unsplash.com

Ash Wednesday na bukas, February 17, ang unang araw ng Semana Santa.

Gaya ng ibang mga tradisyong Katoliko, nagkaroon din ng mga pagbabago sa pagsasagawa ng Ash Wednesday ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Upang maiwasan ang malapitang contact sa mananampalataya, iniutos ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagbubudbod ng abo sa ulo, sa halip na ang dating pagpapahid nito sa noo.

Kinumpirma ito ni Father Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, sa isang radio interview nitong Lunes, February 15.

Ayon kay Badong, hindi na kakailanganing pumila ng mga mananampalataya dahil ang mga pari at lay minister ang lalapit sa mga nagsisimba para magbudbod ng abo sa ulo ng mga ito.

ASHES IN COTTON BALLS, SACHET

Gayunman, may opsiyon pa rin naman daw para makapagpapahid ng abo sa noo.

Batay sa notes ni Baguio Bishop Victor Bendico, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy, pinapayagang gumamit ang lay minister ng cotton balls para magpahid ng abo sa noo.

Continue reading below ↓

Mababasa sa notes ni Bendico: “Each of the faithful who wants to receive the imposition of ashes approaches the minister.

“The minister, with the aid of a cotton ball dipped into the vessel of the blessed ashes, traces the cross on the forehead of the faithful.

“The minister uses a different cotton ball for each of the faithful.”

At dahil limitado pa rin sa 50 percent ang maaaring pumasok sa loob ng simbahan, inirekomenda ng episcopal commission na ang mga dadalo sa misa para sa Ash Wednesday ay bibigyan ng “a small plastic sachet containing blessed ashes that they in turn can impose to their family members.”

Ibig sabihin, maaaring isa lamang sa miyembro ng isang pamilya ang magpupunta sa simbahan para dumalo sa aktuwal na misa at kumuha ng abo.

Ang ibang miyembro ng pamilya ay maaaring makinig na lang ng misa online.

Pag-uwi ng dumalo sa misa, ang padre de pamilya ang magpapahid ng iniuwing abo sa noo ng mga kamag-anak na nanatili sa bahay, ayon kay Bendico.

Continue reading below ↓

CELEBRATION OF MASS FOR ASH WEDNESDAY

Ngayong taon, mga natuyong dahon, halaman, at sanga ng puno ang sinunog para gamitin sa Ash Wednesday.

Ayon kay Bendico, "many parishes will find it difficult to secure old palm branches blessed in the celebration of Palm Sunday of 2020" kaya kinailangang mag-improvise.

Para sa pagdaraos ng misa sa Ash Wednesday, magdarasal ang pari para basbasan ang abo.

Kasunod nito, lalagyan ng holy water ang binasbasang abo nang hindi nagsasalita ang pari.

Pagkatapos, isahang beses na lang na uusalin ng pari ang panalangin sa Roman Missal para sa lahat ng tatanggap ng abo, ‘tsaka sisimulan ang paglalagay nito sa mga Katoliko.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ (CBCP) Episcopal Commission on Liturgy Head, Baguio Bishop Victor Bendico, says those who would not be able to physically attend Ash Wednesday mass on February 17, 2021 could request a sachet containing blessed ashes and “impose it to their families” as they attend online mass.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results