“Auring” now a tropical storm; heavy rains possible in Mindanao, Visayas, Bicol

by Jet Hitosis
Feb 18, 2021
"Auring" is the first severe weather disturbance to enter the country's area of responsibility this year.
PHOTO/S: unsplash.com

Isa nang tropical storm ang dating tropical depression na Auring ngayong Huwebes, February 18.

Dahil dito, inaasahang magiging maulan ang mga susunod na araw sa ilang lugar sa Mindanao, Visayas, Bicol, at Southern Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa severe weather bulletin na inilabas ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga ngayong Huwebes, huling namataan ang Auring sa 685 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur ng 10:00 ng umaga.

Dala ng Auring ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at may bugsong 80 kph.

Base sa forecast ng PAGASA, inaasahang lalakas pa ang Auring at magiging severe tropical storm bago mag-landfall sa Caraga Region sa Sabado ng gabi (February 20) o Linggo ng umaga (February 21).

RAINY WEEKEND

Inaasahang hindi pa magpapaulan ang Auring ngayong Huwebes.

Gayunman, kung pagbabatayan ang ikinikilos ng bagyo, mayroong “increasing likelihood of heavy rainfall” ngayong weekend hanggang sa Lunes, February 22.

Continue reading below ↓

Wala pang inilalabas na storm warning signal ang PAGASA sa ngayon.

Pero posibleng isailalim na sa Signal No. 1 ang ilang lugar sa Caraga at Davao Region bukas, Biyernes, February 19.

Asahan ang malakas na ulan sa mga lugar na ito sa mga susunod na araw:

  • Caraga Region
  • Northern Mindanao
  • Davao Oriental
  • Davao de Oro
  • Davao del Norte
  • Lanao del Sur
  • Bicol Region
  • Southern Luzon
  • Oriental Mindoro
  • Occidental Mindoro
  • Marinduque
  • Romblon
  • Northern Palawan (kabilang ang Calamian at Cuyo Islands)

Inalerto na ng PAGASA ang lahat ng disaster risk reduction and management offices at pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na mga lugar laban sa posibilidad ng matinding baha at landslides.

AURING TO LEAVE ON TUESDAY

Sa taya ng PAGASA, nasa 535 kilometro sa east-southbound ng Hinatuan ang Auring sa Biyernes.

Kikilos ito patungo sa sentro ng Mindanao sa Sabado, at tinatayang nasa 315 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Hinatuan.

Pagsapit ng Linggo, nasa Surigao City, Surigao del Norte na ang Auring at may kategorya nang severe tropical storm.

Continue reading below ↓

Kikilos ang bagyo pahilaga-kanluran at dadaan sa Southern Leyte, Central Visayas, at Western Visayas.

Sa Lunes, inaasahang nasa dulong hilaga na ng Sulu Sea ang Auring.

Kikilos ito patungong West Philippine Sea—nasa 420 kilometro sa kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro—sa Martes, February 23.

Track of Tropical Storm Auring

CLASSIFICATIONS OF TROPICAL CYCLONES

Ang Auring ang kauna-unahang bagyong pumasok sa Pilipinas ngayong 2021.

Continue reading below ↓

May kategoryang tropical depression ang Auring nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Miyerkules, February 17.

Ang klasipikasyon ng tropical cyclones ay ibinabatay sa lakas ng hanging dala ng bagyo, ayon sa PAGASA at sa World Meteorological Organization (WMO):

  • Tropical depression kapag may lakas ng hanging nasa 61 kph.
  • Tropical storm kapag ang lakas ng hangin ay 62-88 kph.
  • Severe tropical storm kung ang lakas ng hangin ay 89-117 kph.
  • Typhoon kung ang hangin ay may lakas na 118-220 kph.
  • Super typhoon kapag ang lakas ng hangin ay lampas sa 220 kph.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Auring" is the first severe weather disturbance to enter the country's area of responsibility this year.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results