PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Non-compliance with health protocols factor in COVID-19 cases surge

DOH official: “Naka-mask pero nasa baba, naka-face shield, nasa ulo.”
by Jet Hitosis
Published Mar 8, 2021
Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire says health care utilization is still “manageable” and can still manage to accommodate almost 50 percent of COVID-19 patients.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Hindi lang ang bagong COVID-19 variants, kundi maging ang hindi pagsunod ng publiko sa minimum health protocols, ang dahilan sa pagdami ng nahahawahan ng virus sa bansa sa nakalipas na mga araw.

Ito ang nilinaw ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa media forum ngayong Lunes, March 8.

Simula kasi nitong Biyernes, March 5, lampas 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ang naitatala ng DOH araw-araw.

Ang huling beses na sumampa sa 3,000 ang bagong infections ay noong October 16, 2020.

Bandang hapon ngayong Lunes, nakapag-ulat ang DOH ng 3,356 bagong nagpositibo sa COVID-19.

Sa kabuuan, 597,763 na ang dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas simula noong January 30, 2020.

Sa bilang na ito, 39,330 ang kasalukuyang ginagamot, habang 12,521 na ang namatay.

DOH COVID-19 case update

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagsususpetsahang ang biglaang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay dahil sa bagong—at mas nakakahawang—variant ng virus na nagmula sa United Kingdom (U.K.) at South Africa.

Mayroon nang 118 kumpirmadong kaso ng U.K. variant sa Pilipinas, habang 58 naman ang dinapuan ng South African variant.

“NON-COMPLIANCE TO HEALTH PROTOCOLS”

Sa media briefing ngayong araw, nagbigay ng paglilinaw si Vergeire.

“Ang gusto ko lang maging klaro sa ating lahat, whatever increase in the number of cases that we are having right now cannot be attributed solely to the variants.

“Kailangan alam po ng ating mga kababayan 'yan.

“The underlying cause of why cases are increasing is because of the non-compliance to the health protocols that we have.

“As long as our public would not be able to comply to the minimum health protocols that are there, andiyan na talaga yung posibilidad na dadami at dadami ang kaso.”

Ayon kay Vergeire, totoong malaking factor ang bagong variants ng COVID-19 sa biglaang pagdami ng nagpopositibo sa virus.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi raw maitatangging nagiging pabaya ang publiko sa pagsunod sa health protocols ngayon kumpara noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Vergeire: “Ngayon, dumating yung variants, it has aggravated this increase in the cases.

“Halimbawa, ikaw ay hindi nagma-mask at nagpe-face shield. Na-infect ka, e, variant yung nakuha mo, so variant na yung ipapasa mo sa iba.

“E, yung variant higher ang transmissibility, mas nakapanghahawa, so mas bumibilis ang kaso.”

“NAKA-MASK PERO NASA BABA, ANG FACE SHIELD NASA ULO…”

Binanggit din ng DOH Undersecretary ang pagsuway ng ilang Pilipino sa health protocols na personal niyang nasasaksihan.

“Marami tayong nakikita ngayon, naka-mask pero nasa baba. Naka-face shield pero nasa ulunan nila, hindi naka-cover sa mukha at sa ilong at sa bibig. Marami tayong nakikita pumupunta sa matataong lugar,” ani Vergeire.

Sa kabila ng pagdami ng COVID-19 cases, tiniyak ni Vergeire na nasa “manageable level” pa rin daw ang mga ospital, partikular sa Metro Manila, para tumanggap ng 50 porsiyento ng mga pasyenteng dinapuan ng virus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, ipinaalala naman ni Rodley Desmond Carza, hepe ng Policy and Technical Division ng Health Promotion Bureau ng DOH, sa publiko ang minimum health protocols na mahalagang sundin para makaiwas mahawa sa COVID-19.

Aniya, higit kailanman, mahalagang laging tumalima ang publiko sa minimum health protocols na makakatulong upang makaiwas sa COVID-19.

MINIMUM HEALTH PROTOCOLS VS COVID-19

Para madaling tandaan, ginamitan ito ng DOH ng acronym na B.I.D.A.

Bawal walang mask at face shield. Sinabi ni Carza na dapat tiyaking walang butas sa gilid at sa ibaba ng mask “kung saan maaaring pumasok ang COVID-19 virus.”

I-sanitize ang kamay at iwasan ang kulob na lugar. Muling ipinaalala ni Carza ang laging paghuhugas ng kamay gamit ang sabon o pagsa-sanitize gamit ang alcohol.

Kapag indoors, “i-encourage po natin na magkaroon ng natural ventilation by opening windows and doors to improve the air exchange,” sabi ni Carza.

Dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksiyon sa iba. Bagamat nagluwag na sa ilang quarantine guidelines, sinabi ni Carza na importante pa rin ang pag-iwas sa matataong lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If we’ll do certain activities with others, let’s make sure na it will be less than 15 to 30 minutes.

“The shorter the better para ma-prevent and possible exposure sa COVID-19,” ,” ani Carza.

Alamin ang tamang impormasyon. Pinayuhan ni Carza ang publiko na bisitahin ang mga lehitimong government websites para sa anumang impormasyon o update tungkol sa pandemic upang makaiwas sa fake news.

TAKE THE JAB

Hinimok din ni Carza ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19.

Paglilinaw niya, kahit pa naturukan na ng COVID-19 vaccine ang isang tao ay dapat pa rin nitong sundin ang minimum health protocols na nakadetalye sa itaas.

“COVID-19 vaccine is just an additional tool for us to protect ourselves,” ani Carza.

“Kahit po tayo ay nakabakunahan na, kailangan pa rin nating i-observe at i-practice ang minimum health standards, para po patuloy-tuloy ang pagbibigay-proteksiyon natin sa ating sarili at sa ating mga pamilya,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire says health care utilization is still “manageable” and can still manage to accommodate almost 50 percent of COVID-19 patients.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results