Some NCR hospitals suspend OPD services; DOH logs new record-high 8,773 COVID-19 cases

by Jet Hitosis
Mar 25, 2021
Metro Manila hospitals close OPD, COVID-19 cases
The Lung Center of the Philippines announces today, March 25, that its outpatient department will be closed until April 4, 2021 due to the rising numbers of COVID-19 patients.
PHOTO/S: lcp.gov.ph

Naitala ngayong Huwebes, March 25, ang pinakamaraming bagong COVID-19 infections, na umabot sa 8,773.

Ito ang pinakamalaking bilang ng bagong nagpositibo sa virus simula nang maitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas noong January 30, 2020.

Sa ngayon, sumampa na sa 693,048 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil sa pagtatala ng halos 9,000 bagong kaso, lumobo na sa 99,891—o halos 100,000—ang kasalukuyang ginagamot sa virus.

Tumaas na rin sa 13,095 ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19, base sa latest data ng Department of Health (DOH).

DOH Case Bulletin: COVID-19 cases as of March 25, 2021

Continue reading below ↓

HOSPITALS SUSPEND OPD OPERATIONS

Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang virus epicenter sa bansa, kaya naman may ilang ospital sa rehiyon ang hindi na tumatanggap ng COVID-19 patients.

Naabot na kasi ng mga ito ang full capacity ng kani-kanilang COVID-19 wards.

Kasabay nito, ilang ospital sa Metro Manila ang napilitang magsuspinde ng operasyon ng kanilang outpatient department (OPD) at pansamantalang hindi tumanggap ng face-to-face consultations ngayong dumadagsa ang COVID-19 patients sa kanilang mga pasilidad.

LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES

Inanunsiyo ng Lung Center of the Philippines ngayong Huwebes ang pansamantalang pagsasara ng OPD at mga klinika nito hanggang sa April 4.

Ito raw ay dahil sa “surge of COVID 19 cases” sa ospital—na isa sa mga unang COVID-19 referral hospitals sa bansa.

Sa official statement na inilabas ng Lung Center of the Philippines sa Facebook page nito, hinihimok ng ospital ang mga pasyenteng gawin na lang muna ang teleconsultation sa ngayon.

Continue reading below ↓

Batay sa latest data ng DOH, kabilang na ang Lung Center of the Philippines sa listahan ng mga ospital na nasa “critical level” matapos umabot sa 96.3 percent ang bed occupancy nito sa nakalipas na mga araw.

OSPITAL NG TONDO

Telemedicine na lang din muna ang paraan ng mga doktor ng Ospital ng Tondo sa ngayon upang makipag-ugnayan sa mga pasyente.

Continue reading below ↓

Simula kasi noong Lunes, March 22, pansamantalang itinigil ng pagamutan ang lahat ng face-to-face consultations nito dahil “sa hindi inaasahang pagtaas ng kaso ng COVID-19.”

Idinaan ng ospital sa Facebook post ang advisory nito sa mga naka-schedule para magpakonsulta.

“Sa lahat po ng nakaschedule, kayo po ay pansamantalang ililipat sa ating TELEMEDICINE consultation upang masiguro ang kaligtasan ng aming mga pasyente at kawani dito sa Ospital ng Tondo,” saad sa statement ng pagamutan.

Continue reading below ↓

DR. JOSE N. RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL & SANITARIUM

March 15 nang ianunsiyo ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa North Caloocan City na “magsasarang muli” ang OPD nito “dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.”

Sa statement na ipinost sa Facebook, sinabi ng ospital na “lahat ng nagpaiskedyul para sa buwan ng Marso na lamang po ang aming tatanggapin at wala na pong Walk-in.”

Continue reading below ↓

UP-PGH ADULT NEUROLOGY

Hindi na rin tumatanggap ng walk-in patients ang OPD ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Adult Neurology simula noong March 6.

Ito ay “bilang pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID,” ayon sa Facebook advisory ng ospital.

“Mangyaring tumawag sa 155-200 o sa inyong doktor, o magpa-schedule sa OCRA Website (pghopd.up.edu.ph) ng konsultasyon,” saad pa sa paabiso ng UP-PGH Adult Neurology.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Lung Center of the Philippines announces today, March 25, that its outpatient department will be closed until April 4, 2021 due to the rising numbers of COVID-19 patients.
PHOTO/S: lcp.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results