Idaraos ang Aklatan All-Filipino Online Book Fair mula June 19-21, 2021.
Ito ay inisyatibo ng Book Development Association of the Philippines o BDAP.
Hinihimok ang lahat na makisali rito at mag-order sa pamamagitan ng online-shopping service na Shopee.
Ang idaraos na book fair ay bilang suporta na rin sa mga local authors natin kaya huwag itong palampasin.
Ang magandang balita pa, may 30 percent discount sa mga oorder ng libro ng local authors, mula June 19 hanggang June 21.
May 34 local publishing companies ang lalahok dito kaya’t maraming libro ang siguradong mapagpipilian.
Para sa iba pang detalye, maaaring bumisita sa BDAP Facebook page.
