PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Public reaction sa anunsiyong hindi na required ang face shield

Hindi na ba talaga kelangan?
by KC Cordero
Published Sep 23, 2021
Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Technical Advisory Group na limitahan ang pagsusuot ng face shields kapag nasa labas maliban sa “3Cs” o “closed spaces, crowded places, at close-contact settings.” PHOTO: @reportr

Hindi na kailangang magsuot ng face shield kapag nasa labas.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong September 22, 2021, sa Talk to the People, ang kanyang pre-recorded TV show na umeere every Monday.

Pero nilinaw ng Pangulo na may mga kondisyon ang pagpapatupad ng patakarang ito.

Aniya, “I was informed of the recommendation from the Technical Advisory Group and medical groups that the use of face shields, on top of face masks, may be limited to high-risk activities under the three Cs—closed, crowded, pati close contact.

"Puwede na tanggalin sa labas. No more face shields outside. Ang limitasyon, ang face shield gamitin mo sa three Cs.

“Iyang tatlo na iyan, face shield is a must pa rin. Iyan ang recommendation.”

Iniutos din niya ang agarang implementasyon ng pinakahuling patakaran sa paggamit ng face shield.

PUBLIC'S REACTION

Iba-iba naman ang naging reaction ng publiko sa announcement ng Pangulo.

Sumang-ayon ang iba na gamitin lang ang face shield sa closed spaces, crowded places, at close-contact settings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagsabing halos 99 percent ng destinasyon ng mga tao ay closed space, kaya technically ay kailangan pa rin na laging may suot na face shield.

Ayon naman sa iba, literal na puwede lang hindi magsuot ng face shield sa labas ng bahay kung pagbabatayan ang bagong patakaran.

Sana raw ay sa ospital na lang gawing mandatory ang pagsusuot nito, at hindi na sa mga malls, groceries, workplace, at bangko—ang request naman ng iba.

Obserbasyon ng iba, wala rin umanong magandang magagawa ang face shield kung hindi naman ito idi-disinfect ng nagsusuot bago o pagkatapos gamitin.

Tuloy rin ang iba sa pagsusuot bilang proteksyon sa kanya at sa ibang makakasalamuha.

At napakarami sa mga nag-react ang nagsabing baka naman bigla uling bawiin ng pamahalaan ang kalalabas lang na announcement.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

on the use of face shields

Matatandaang inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong December 14, 2020 ang Resolution 88, na nire-require ang mga taong magsuot ng face shield bukod sa face mask sa mga pampublikong lugar para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

May mga Pilipinong sumalungat rito dahil bukod sa hindi komportable ang pagsusuot ng face shield ay dagdag gastos pa ito.

Noong Hunyo, sinabi ni Duterte na magsuot na lamang ng face shield kapag nasa ospital.

Pero nang lumaganap ang mas nakahahawang Delta variant, nagbago ang desisyon ng Pangulo at muling ipinatupad ang utos ng IATF-EID na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Noong September 10, sinabi ni Duterte sa publiko na bagamat ang pagsusuot ng face shield ay hindi makapagbibigay ng kumpletong proteksiyon, makatutulong ito sa pagkontrol ng transmission ng COVID-19.

Sa pag-aaral naman ng Lancet, isang international medical journal, lumalabas na ang pagsusuot ng mask ay kaya nang pababain ang panganib na makasagap ng COVID-19 nang 78 percent, at 85 percent naman kung magsusuot din ng face shield bukod pa sa mask.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito lang sa Pilipinas ginagamit ang face shield bilang proteksiyon laban sa virus.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Technical Advisory Group na limitahan ang pagsusuot ng face shields kapag nasa labas maliban sa “3Cs” o “closed spaces, crowded places, at close-contact settings.” PHOTO: @reportr
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results