Maaari nang malaman ng mga Philippine Identification (PhilID) card registrants na nakakumpleto na ng Steps 1 (demographic) and 2 (biometrics) ang delivery status ng kanilang application sa pamamagitan ng website ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Ito ang inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay ng delivery ng PhilID cards.

Gawing hakbang ang mga sumusunod:
- Bisitahin ang website ng PHLPost: http://tracking.phlpost.gov.ph/
- Ilagay ang inyong buong Transaction Number. Makikita ito sa transaction slip na ibinibigay pagkatapos ng inyong Step 2 Registration.
- I-click ang track at hintayin ang resulta.
Kung walang lumabas sa tracker ibig sabihin ay on process pa rin po ang inyong ID.
Libreng ipadadala ng PHLPost ang National ID sa address na inilagay ng applicant.
Para naman sa claiming ng ID, hangga't maaari ay personal itong tanggapin ng applicant.
Kung wala sa bahay ang applicant, siguraduhing may iniwang authorization letter at isang (1) valid ID sa inatasang tatanggap ng ID.