PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manila Ocean Park reopens, pero bawal pa rin ang mga bata

Huwebes hanggang Linggo, 10 a.m. to 6 p.m. ang operasyon
by KC Cordero
Published Oct 22, 2021
Hindi muna papayagang makapasok ang mga bata sa Manila Ocean Park sa muling pagbubukas nito noong October 21, 2021. Tanging mga fully vaccinated lang din ang maaaring mamasyal sa loob.

Nagbukas muli ang Manila Ocean Park noong October 21, 2021 matapos makakuha ito ng go-signal sa gobyerno na mag-operate ulit.

Manila Ocean Park reopens

Ang oceanarium na nasa likod lang ng Rizal Park ay open mula Huwebes hanggang Linggo, 10 a.m. to 6 p.m.

Ayon kay Manila Vice Mayor Honey Lacuna, tanging ang mga fully vaccinated visitors na edad 18-65 ang papayagang makapasok sa Manila Ocean Park.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Manila Ocean Park reopens

"After a year of temporary closure brought about by the pandemic, we are hopeful that business like yours will get back on track," ani Lacuna sa pamunuan ng pasinayaan ang reopening ng oceanarium.

"You are conveying a clear message that we are getting through the darkest times and that we are almost getting out of the tunnel and beginning to see the light," dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpapatupad naman ng mahigpit na health and safety protocols ang Manila Ocean Park. Ang mga bisita ay kailangang:

  1. Laging magsuot ng mask.
  2. Mahigpit na sundin ang physical distancing. May nakatakdang markers at reminders para sa mga bisita.
  3. Laging maghugas ng mga kamay.
  4. Kailangang magpakuha ng temperature sa park staff bago pumasok.
  5. Kailangang mag-check in at mag-check out sa compound gamit ang contact tracing app ng park.
  6. Hangga’t maaari, iwasan ang mahabang pila, at bumili ng ticket online sa: https://www.manilaoceanpark.com/tickets.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi muna papayagang makapasok ang mga bata sa Manila Ocean Park sa muling pagbubukas nito noong October 21, 2021. Tanging mga fully vaccinated lang din ang maaaring mamasyal sa loob.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results