Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas nitong November 9, 2021 ang mga Pilipino na ang PHP500 bill na may larawan ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos ay peke.

Ayon sa BSP, ang nasabing banknote ay wala sa sirkulasyon at hindi iniisyu.
Ang fake Marcos banknote ay nai-post ng satirical news website na Cebu Dairy at kumakalat ngayon sa social media.
"The BSP warns the public against accepting fraudulent banknotes and encourages anyone in the know to report use of fake banknotes to the police or to the BSP’s Payments and Currency Investigation Group," pahayag ng BSP.
Ang mga fake banknotes ay maaaring i-report sa: currencyinvestigation@bsp.gov.ph
Ipinaaala rin ng BSP sa publiko na ang mga namemeke ng Philippine currency ay maaaring mabilanggo nang hanggang 12 taon, at magmulta ng hanggang PHP2 milyon.
This article was created by Reportr.world. Edits have been made by the PEP.ph editors.