PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paano mag-compute ng matatanggap na 13th month pay?

Magkano ba dapat ang matanggap na 13th month pay?
by Arianne Merez KC Cordero
Published Nov 29, 2021
13th month pay inside an envelope, 13th month pay in cash
Ang 13th month pay ay katumbas ng isang buwan na suweldo para sa mga nagtrabaho sa loob ng 12 buwan sa calendar year, at ibinibigay mula November hanggang December.

Itinatakda ng mga batas sa Pilipinas na ang lahat ng manggagawa ay dapat na makatanggap ng kanilang 13th month pay kada taon.

Ang 13th month pay ay katumbas ng isang buwang suweldo para sa mga nagtrabaho sa loob ng 12 buwan sa calendar year.

Philippine money, PHP500 bills, PHP1,000 bills

Ibinibigay ang 13th month pay mula November hanggang December, at iba pa ito sa bonus na maaaring matanggap ng mga empleyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bonus ay depende sa employment contract, o sa collective bargaining agreement (CBA) kung may unyon ang kumpanya.

Ang mga bonus ay ibinibigay sa mga empleyado batay sa kinita ng kumpanya at sa performance ng empleyado—pero depende na ito sa employer.

Tanging ang 13th month pay ang obligadong ibigay ng kumpanya sa mga empleyado.

PAANO I-COMPUTE ANG 13TH MONTH PAY?

Kung nagtrabaho kayo sa loob ng isang taon at walang unpaid absences, ang 13th month pay ay katumbas ng isang buwan na suweldo.

Kung hindi naman, ito ay magiging “pro-rated.” Ibig sabihin, ibabatay ito sa bilang ng buwan na nagtrabaho kayo sa loob ng isang taon. Karaniwang ginagawa ito sa mga bagong empleyado na na-hire sa gitna ng taon.

Gaya ng itinakda sa batas, ang minimum 13th month pay ay hindi dapat bababa sa one-twelfth (1/12) ng total basic salary o kabuuang kinita ng empleyado sa isang taon.

Para ma-compute ang 13th month pay, hatiin ang total basic salary earned for the year by 12. Tandaan na sa basic salary ay hindi kasama ang allowances at ang overtime pay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halimbawa, ang isang baguhang empleyado ay kumikita ng PHP21,000 kada buwan at nagtrabaho sa loob ng isang taon, ang kanyang 13th month pay ay P21,000.

Heto ang magiging computation batay sa Senate briefer para sa mga buwis.

13th month pay sample computation

Para naman sa mga hindi pa nakaisang taon sa kumpanya, ang formula ay:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MONTHLY SALARY X NUMBER OF MONTHS YOU’VE STAYED IN THE COMPANY THAT YEAR = SUM/ 12.

Halimbawa, ang inyong buwanang sahod ay PHP20,000 at pitong buwan na kayong nagtatrabaho sa kumpanya:

PHP20,000 X 7 MONTHS= PHP140,000/ 12= PHP11,666.00

Tax free ba ito?

Kung ang net taxable income mo kada taon ay below PHP90,000, wala itong kaltas.

Kapag higit pa sa PHP90,000 ang net taxable income mo, ang kaltas ay depende sa income tax bracket .

Tax bracket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, kahit ang 13th month pay ay non-taxable, noong January 2018, dahil sa Republic Act No. 10963 o ang TRAIN law, ang mga sumusuweldo ng mahigit sa PHP90,000 ay kailangang kaltasan ng buwis.

Halimbawa, ang inyong 13th month pay ay PHP120,000. Ang PHP90,000 dito ay tax-free samantalang ang sobrang PHP30,000 ay bubuwisan.

Kung kayo ay nasa 20% income tax bracket, kakaltasan ng PHP6,000 ang sobrang PHP30,000. May maiiwan sa inyo na PHP114,000 na kabuuang 13th month pay.

SINU-SINO ANG MAAARING MAKATANGGAP NG 13TH MONTH PAY?

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga rank-and-file employees sa private sector ay makatatanggap ng 13th month pay, anuman ang kanilang position, designation, o employment status, basta nakapagtrabaho sila sa kumpanya sa loob ng isang buwan.

Ibig sabihin, kahit hindi pa regular, basta may isang buwan ka na bilang empleyado sa isang kumpanya, ay meron kang matatanggap.

KAILAN DAPAT MATANGGAP NG EMPLEYADO ANG KANYANG 13TH MONTH PAY?

Ayon sa DOLE, kailangang bayaran ng employers ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado “on or before December 24.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAKATATANGGAP BA NG 13TH MONTH PAY ANG EMPLEYADONG NAG-RESIGN NGAYONG TAON?

Ang sagot ay “oo.”

Ang nag-resign o natanggal na empleyado ay makatatanggap ng kanyang 13th month pay.

Iko-compute ito sa kanyang naging kabuuang kita o total earnings sa loob ng panahon na nagtrabaho siya sa kumpanya sa calendar year.

Hindi naman pinayagan ng DOLE ang mga employers na ipagpaliban o maging exempted sa pagbabayad ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado, kaya ang good news, matatanggap nila ito dapat bago sumapit ang Pasko.

This article was created by Reportr.world. Edits have been made by the PEP.ph editors.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang 13th month pay ay katumbas ng isang buwan na suweldo para sa mga nagtrabaho sa loob ng 12 buwan sa calendar year, at ibinibigay mula November hanggang December.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results