PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chewing gum, pangkontra sa pagkalat ng COVID-19?

Puwede nitong i-"trap" ang viruses.
by Bernie V. Franco
Published Nov 27, 2021
chewing gum covid 19
Researchers are now studying the development of a chewing gum that can prevent the fast transmission of COVID-19.
PHOTO/S: www.jeffersondentalclinics.com

Paano kung ang nginunguya mong chewing gum ay makakatulong para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19?

Ito ngayon ang tinitingnan at pinag-aaralan ng mga eksperto sa Amerika.

Lumabas sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagnguya ng chewing gum, napapababa ang amount ng coronavirus particles sa laway.

Ayon sa ulat ng Molecular Therapy journal, magagawang pababain ang posibilidad ng transmission o pagkalat ng virus.

Ang chewing gum kasi ay nagtataglay ng protina na nagta-“trap” ng coronavirus particles sa laway.

Kaya, makakatulong itong mababawasan ang posibilidad ng transmission na nangyayari kapag ang tao ay nagsasalita, humihinga, at umuubo.

Pahayag ng author ng pag-aaral, “Chewing gum with virus-trapping proteins offers a general affordable strategy to protect patients from most oral virus re-infections through debulking or minimizing transmission to others.”

Isang grupo naman ng eksperto mula sa University of Pennsylvania ang nagsagawa ng tests gamit ang chewing gum at laway mula sa swab samples ng mga COVID-19 patients.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taglay ng chewing gum ang kopya ng ACE2 protein na makikita sa cell surfaces.

Ang ACE2 protein ay nagsisilbing “spike” protein, na kinakapitan ng virus para pumasok sa cells at doon na magsisimulang kumalat.

Sa eskperimento, lumalabas na sobrang laki ng porsiyento ng pagkapit ng virus particles sa ACE2 protein.

Ang chewing gum ay parang ordinaryong chewing gum at maaaring magtagal sa loob ng maraming taon sa normal temperatures, ulat ng Reuters.

Umaasa ang mga researchers na makakatulong ang chewing gum para mabawasan ang dami ng virus particles sa laway, at mapipigilan ang pagkalat ng virus.

Gawa ang gum mula sa clinical-grade plant material at tiniyak na pasado sa Food and Drug Administration.

Hindi pa available ngayon sa market ang chewing gum, at patuloy pa itong inaaral ng mga experts sa U.S.

Sa patuloy na pananalasa ng pandemya, tuluy-tuloy ang pananaliksik at pagtuklas ng mga eksperto ng mga lunas laban sa virus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito naman sa Pilipinas, inilabas na ng Department of Science and Technology (DOST) ang resulta ng kanilang pag-aaral na ang virgin coconut oil at lagundi ay nakakatulong bilang lunas sa mild COVID-19 symptoms.

Isinusulong ngayon ng DOST ang dalawang produkto bilang adjunct supplement kontra COVID-19 mild symptoms dahil sa anti-viral properties ng mga ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Researchers are now studying the development of a chewing gum that can prevent the fast transmission of COVID-19.
PHOTO/S: www.jeffersondentalclinics.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results