PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Traslacion kanselado ulit sa 2022?

May motorcade lang sa ilang piling lugar sa Maynila.
by KC Cordero
Published Dec 1, 2021
Manila PIO announces cancellation of traslacion 2022
Ikinunsidera ng mga opisyal ng lungsod ng Maynila at ng pamunuan ng Quiapo Church ang patuloy na banta ng COVID-19 kaya kinanselang muli ang prusisyon ng Black Nazarene sa January 9, 2022.

Sa ikalawang pagkakataon, walang magaganap na “traslacion,” ang taunang prusisyon ng imahe ng Black Nazarene na isinasagawa tuwing January 9 ng bawat taon.

Kinumpirma ito ng pamahalaang lungsod ng Maynila noong November 26, 2021.

Manila PIO announces cancellation of traslacion 2022

Ikinunsidera ng mga opisyal ng lungsod ang patuloy na banta ng COVID-19, kahit pa bumababa na ang bilang ng mga nagkakasakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Milyong deboto ang dumadalo sa traslacion, at pinangangambahang baka maging super spreader ng virus ang okasyon.

Ayon sa statement na inilabas ng Manila Public Information Office (PIO), “The celebration of the Feast of the Black Nazarene will be done through a motorcade in selected areas of the City of Manila.”

Sinabi ni Faye Orellana ng Manila PIO na ginawa ang desisyon kasunod ng konsultasyon sa pagitan ng city government at mga opisyal ng Quiapo Church officials, sa pangunguna ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church).

Ani Orellana, “The meeting was held yesterday [November 25], and the decision to suspend the grand procession of the Black Nazarene next year was a mutual decision.”

Humingi naman ng pag-unawa si Fr. Badong sa mga deboto.

Paliwanag niya, “As long as the IATF [Inter-Agency Task Force] doesn’t say it’s okay, we won’t be able to have a procession.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pagiging popular ng traslacion at dami ng deboto ng Poong Itim na Nazareno, iba’t iba ang naging komento ng netizens.

May mga pabor sa pagkansela ng prusisyon, at may nagsabi namang dapat pati motrocade ng mga pulitiko ay ikansela rin.

Devotees and netizens react to cancellation of traslacion 2022

Devotees and netizens react to cancellation of traslacion 2022
Devotees and netizens react to cancellation of traslacion 2022

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinunsidera ng mga opisyal ng lungsod ng Maynila at ng pamunuan ng Quiapo Church ang patuloy na banta ng COVID-19 kaya kinanselang muli ang prusisyon ng Black Nazarene sa January 9, 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results