Inianunsiyo ng Department of Health (DOH) noong December 21, 2021 na mas paiikliin na ang pagitan o interval para sa booster shots laban sa COVID-19 simula December 22.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na sa ilalim ng bagong polisiya, maaari nang bigyan ng booster shot ang mga adults tatlong buwan matapos ang kanilang second dose ng primary two-dose vaccine.

Dalawang buwan naman ang pagitan matapos silang mabigyan ng primary single-dose vaccine.
Kabilang sa mga two-dose vaccines ang AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac at Sputnik.
Ang Janssen ang tanging single-dose vaccine na inaprubahang gamitin sa Pilipinas.
Ayon kay Duque, “We are exploring all possible options to safely mitigate the effects of more transmissible variants of COVID-19.
Dagdag pa niya, “The approval came at an opportune time as several countries also re-strategized in light of the Omicron and other COVID-19 variants that may emerge.”
Gayunpaman, nilinaw ni Duque na mananatiling prayoridad sa bakuna ang mga hindi pa nakatatanggap ng kanilang first and second dose.
Nanawagan din ang kalihim sa mga local government units na hikayatin ang mga nasasakupan na magpabakuna, lalo na ang mga hindi pa bakunadong senior citizens at mga may comorbidities dahil ang mga ito ang mas delikadong dapuan ng COVID-19.
Ayon pa kay Duque, “Ensuring enough coverage of the primary series while adhering to the minimum public health standards are crucial if we want to maintain low to minimal risk classification and have adequate health systems capacities especially during the Holiday season.”