Good news para sa mga di pa nakakapagpa-renew ng kanilang lisensiya!
Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng driver’s license, conductor’s license, at maging ng student driver’s permit.
Dahil ito sa ipinatutupad na COVID-19 pandemic restrictions, bukod pa sa pinasalang hatid ng bagyong Odette sa ilang rehiyon sa bansa.

Samantala, ang validity ng rehistro ng mga sasakyan ay extended din.
Batay sa memorandum na inilabas ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante noong December 23, 2021, ang validity ng rehistro ng mga sasakyan sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Mimaropa, at Caraga na ang plate number ay nagtatapos sa “0” ay pinalawig hanggang January 31, 2022.

Hindi rin pagmumultahin ang mga may-ari ng sasakyan.

Ang mga plate number naman ng mga sasakyan sa buong bansa na nagtatapos sa “1” at kailangang i-renew ngayong January 2022 ay pinalawig hanggang February 28, 2022.
Kasamang pinalawig sa memorandum hanggang February 28, 2022 ang validity ng medical certificates na na-expire mula October 1-30, 2021.
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.