Magkakaloob ang Department of Health (DOH) ng COVID-19 home care kits sa mga pamilyang nasa quarantine o isolation.
Inanunsiyo ito ng DOH noong January 18, 2022 sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sanhi ng Omicron variant.

Tinawag na "Kalinga" Kits, ipamamahagi ito sa mga pamilyang higit na nangangailangan, o sa mga indibidwal na tinamaan ng mild COVID-19, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Pahayag ng opisyal, "Ipapatupad natin sa lalong madaling panahon. Ginagawan lang po natin nang maayos na guidelines."
Ang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng DOH, World Health Organization (WHO) at UNILAB.
Ang bawat Kalinga Kits ng DOH ay naglalaman ng:
10 tableta ng paracetamol
1 pakete ng Vitamin C
1 pakete ng carbocisteine
2 pakete ng face masks (20 pieces in total)
2 soap bars
1 alcogel
1 disinfectant spray
1 tip sheet
"The kits will be upgraded as the DOH continues to collaborate with the private sector to source more materials," ayon pa kay Vergeire.
MORE NEWS YOU CAN USE:
How to Take Care of a COVID Patient at Home and Avoid Getting Sick
GUIDE: Shortened Isolation, Quarantine for COVID-Positive, Close Contacts
GUIDE: When to Get Your Booster Shot If You Have COVID Symptoms
GUIDE: Mental Health Hotlines to Call While on Isolation, Quarantine