PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Workers exempted from 'no vaccine, no ride' policy, says DOLE

Importante sila sa paggalaw ng ekonomiya
by Arianne Merez
Published Jan 18, 2022
Passengers being checked by security guard
Hindi na kasama ang mga manggagawa sa "no vaccine, no ride" policy dahil kailangan sila para gumalaw ang ekonomiya.

Exempted na ang mga manggagawa sa "No Vaccine, No Ride" policy na ipinatutupad sa mga pampublikong transportasyon.

Ito ang inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong January 18, 2022.

Passengers being checked by security guard

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, hindi na isinama ang mga manggagawa sa policy dahil nagkakaloob ang mga ito ng essential services.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag hininto mo ang mga 'yan, paano gagalaw ang ating mga negosyo?" dagdag pa ni Bello.

Noong January 17 ay sinimulan ng Transport authorities i-require ang mga pasaherong ipakita ang kanilang COVID-19 vaccine card at valid ID kapag sasakay sa mga pampublikong transportasyon—maging sa pagbiyahe sa dagat at domestic flight.

Bukod sa mga manggagawa, naririto pa ang ilang exemptions sa "No Vaccine, No Ride" policy of the DOTr:

  1. Mga pasahero na hindi puwedeng mabigyan ng COVID-19 vaccine dahil sa kanilang existing medical condition.
  2. Mga pasahero na kukuha o magdadala ng essential goods gaya ng pagkain, tubig at mga gamot.
  3. Mga pasaheo na naka-schedule para sa kanilang COVID-19 vaccine.

Ang mga pasahero na nasa alinman sa mga nabanggit na exemptions ay kailangang magpakita ng kanilang katibayan sa security officers ng public transport vehicles, ayon sa DOTr.

Mahalagang tandaan na bagaman at hinihikayat ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas para makatulong sa pagkontina sa pandemya, hindi ito mandatory o sapilitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALSO READ:

Is 'No Vaccine, No Ride' in Public Transport Anti-Poor?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi na kasama ang mga manggagawa sa "no vaccine, no ride" policy dahil kailangan sila para gumalaw ang ekonomiya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results