PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga Pinoy, ika-4 sa paboritong target ng cybercriminals

Pilipinas nagkaroon ng 50 million web threat attempts noong 2021.
by KC Cordero
Published Feb 22, 2022
An interpretation of a cybercriminal.
Dahil isa ang Pilipinas sa paboritong target ng cybercriminals, dapat nating gawing habit ang “cyber-hygiene,” gaya ng regular na pagpapalit ng password, at laging mag-update ng apps, software at operating systems.

Sa kabuuan ng taong 2021, ikaapat ang Pilipinas sa mga bansang paboritong target ng mga cybercriminals.

Nasa top three ang Belarus, Algeria, at Kazakhstan.

Naka-detect ang Kaspersky Security Network (KSN), isang Russian cloud-based threat intelligence service, ng mahigit 50 million web threat attempts sa Pilipinas.

Batay ito sa ulat na inilabas ng KSN noong February 21, 2022.

Hand browsing a smartphone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangangahulugan na sa ikalawang taon ng pandemya ay mas lumala ang panganib dulot ng Internet sa maraming Pilipino na online habang nagtatrabaho o nag-aaral o nag-a-avail ng services. n

Mula 2017 hanggang 2021, ang cyberthreats na na-detect sa Pilipinas ay tumaas ng 433 percent, ayon pa rin sa KSN.

THREATS NA-DETECT SA WINDOWS AT LINUX

Ninety-one percent sa mga threats na na-detect ay nanggaling mula sa WindowsPE files, isang file format na specific para sa Windows operating systems.

Noong isang taon ay aktibo na ring nagpakalat ang mga cybercriminals ng threats sa Linux operating system. Tumaas ng 57 percent ang bilang ng na-detect na Linux malware at "unwanted software."

Ayon kay Yeo Siang Tiong, Kaspersky general manager for Southeast Asia, "Because of the Internet, carrying on with work and school during the pandemic has been significantly possible.”

Dagdag pa niya, “The Internet has also provided people a temporary escape from real life during lockdowns. This is true not just for Filipinos but for everyone around the world.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAANO UMAATAKE ANG CYBERCRIMINALS?

Ang web threats ay nagaganap sa pamamagitan ng browsers.

Ginagamit ng cybercriminals ang "drive-by downloads" at ang “social engineering” para magpakalat ng malware (ang catch-all term para sa anumang malicious software) sa device ng Internet users.

Nagaganap ang drive-by download infection kapag nag-browse ang Internet user sa isang infected website.

Gumagamit ang cybercriminals ng "file-less malware," ang pinakamapanganib na paraan para ma-infect ang isang device.

Kumplikado ito at mahirap ma-detect o ma-block.

Ang social engineering naman ay mga pag-atake kapag ang isang Internet user ay nakapag-download ng malicious file sa kanyang computer.

Nangyayari ito kapag naloko ng mga cybercriminals ang biktima at napapaniwala na ang dina-download nito ay legitimate program.

PRACTICE "CYBER-HYGIENE"

Ayon kay Yeo, lalong humuhusay ang mga cybercriminals kaya mas vulnerable ngayon ang mga tao sa cyber-intrusion.

Aniya, “We cannot stop using the Internet so we really encourage Filipinos to be extra cautious and really get into the habit of practicing cyber-hygiene.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“These basic habits remain the same and include regularly scanning devices for viruses, changing passwords, keeping apps, software and operating systems up to date, and wiping your hard drive.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil isa ang Pilipinas sa paboritong target ng cybercriminals, dapat nating gawing habit ang “cyber-hygiene,” gaya ng regular na pagpapalit ng password, at laging mag-update ng apps, software at operating systems.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results