PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bagong protocols na ipapatupad sa Alert Level 1

Dapat pa ring magsuot ng face mask.
by KC Cordero
Published Feb 28, 2022
Map of areas under Level 1 and Level 2
Maraming pagbabago sa inaprubahang guidelines ng IATF sa mga lugar na isinailalim sa Alert Level 1, ngunit mananatili ang pagsusuot ng face mask. Kailangan din ang proof of full vaccination kapag papasok sa public and private establishments.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga pagbabago sa guidelines ng Nationwide Implementation of Alert Level System for COVID-19 Response.

Inihayag ito ni Acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles noong February 27, 2022.

Naririto ang ilan sa mga protocols na dapat sundin sa ilalim ng Alert Level 1.

Mother and child wearing face masks

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAGSUSUOT NG FACE MASK

Dapat pa ring isuot nang maayos ang face mask sa lahat ng oras:

  1. Sa labas ng bahay
  2. Sa loob ng private or public establishments, kabilang ang public transportation (land, air or sea), maliban na lang kung kumakain o kalahok sa team and individual sports sa mga venues na kayang i-maintain ang ventilation standards, o kung may outdoor sports/exercise activities kung saan kayang ma-maintain ang physical distancing.

PAGPASOK SA TRABAHO

Ang lahat ng private offices and workplaces, kabilang ang public and private construction sites, ay maaaring mag-operate nang 100% capacity, ngunit dapat silang sumunod sa itinakda ng pamahalaan na vaccination requirements para sa on-site work.

Maaari namang magpatupad ang management ng flexible and alternative work arrangements kung kinakailangan.

Ang mga ahensiya ng pamahalaan ay dapat na sumunod sa 100% on-site workforce.

Ibabatay naman sa rules and regulations na itinakda ng Civil Service Commission at ng Office of the President ang off-site work ng mga kawani ng pamahalaan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PUBLIC TRANSPORT

Full seating capacity na ang mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Para sa intrazonal and interzonal travels sa public land transportation sa pagitan ng lugar na may mas mataas na alert level classification at ng lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, susundin ang mas mababang passenger capacity rate sa pagitan ng point of origin at ng point of destination.

Para sa aviation, maritime, and rail public transport na nag-o-operate sa mga lugar na nasa Alert Level 1, ang passenger capacity ay 100 percent.

Hindi na required ang paggamit ng acrylic at/o plastic dividers sa public transportation.

Ang paggamit ng Safe, Swift and Smart Passage (S-PaSS) travel management system ay hindi na rin required para sa interzonal travel sa mga lugar na nasa Alert Level 1.

Sa contact tracing, ang paggamit ng health declaration forms/paper-based contact tracing ay hindi na rin required sa lahat ng ahensya at establisiyemento na nasa ilalim ng Alert Level 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, ang paggamit ng digital contact tracing gaya ng StaySafe.PH application ay optional para sa lahat ng ahensiya at establisiyemento.

TESTING AND ISOLATION

Ipatutupad ang testing protocols batay sa national guidelines para sa mga indibidwal na hindi pa bakunado o may higher exposure risk alinsunod sa IATF Resolution No. 148-B and No. 149, s. 2021.

Ang paggamit ng RT-PCR testing ay dapat na irekomenda at gawing prayoridad para sa:

  1. Priority Groups A2 (mga edad 60 pataas) at A3 (mga may comorbidities)
  2. Priority Group A1 (healthcare workers).

Optional naman ang testing para sa mga grupong hindi nabanggit sa itaas.

Hindi inirerekomenda ang testing para sa asymptomatic close contacts maliban na lang kung magkaroon sila ng mga mga sintomas. Mas inirerekomenda ang symptom monitoring.

Kung kinakailangang i-test ang isang indibidwal, dapat itong gawin limang araw mula sa huling araw na siya ay na-expose.

Hindi rin inirerekomenda ang testing para sa asymptomatic na indibidwal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Irerekomenda naman ang paggamit ng antigen test para sa mga symptomatic, at sa mga pagkakataon na walang available na RT-PCR.

Maaaring magpatupad ang Hospital Infection Prevention and Control Committees (HIPCC) ng testing protocols sa mga health facilities para sa health workers at mga pasyente batay sa kanilang assessment.

Sa ilalim ng Alert Level 1, ang mga establisyemento ay hindi na kailangang maglagay ng isolation facilities sa kanilang workplace.

PANGANGALAGA SA ASYMPTOMATIC AT CONFIRMED CASES, KABILANG ANG MGA CLOSED CONTACTS

Ang mild to moderate confirmed cases, pati na rin mga closed contacts, ay i-estimahin sa primary care level gaya ng health centers at private clinics (face to face or teleconsultation).

Ang confirmed cases with severe and critical symptoms ay gagamutin sa nararapat na health care facility.

Kapag natapos na ng isang nagpositibo ang kanyang isolation at pababalikin na siya sa kanyang pamilya, hindi na niya kailangang mag-isolate sa bahay kung nakumpleto na niya ang inirekomendang isolation period.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dapat hindi siya magkakalagnat sa loob ng 24 oras nang hindi umiinom ng gamot, maayos ang kanyang paghinga, at wala na siyang respiratory issues.

SICK LEAVE, HEALTH BENEFITS

Kung magke-claim ng sick leave, health benefits, at iba pang kaugnay na proseso na kailangan ang katibayan na nagkaroon ang isang indibidwal ng COVID-19, sapat na ang medical certification ngunit kailangang nakalagay roon ang mga sumusunod na minimum information:

  1. Name of patient
  2. Severity of symptoms
  3. Diagnosis as probable or confirmed COVID-19
  4. Date of end of quarantine and/or isolation period.

KAILAN KAILANGANG IPAKITA ANG PROOF OF FULL VACCINATION?

Ang mga edad 18 pataas ay kailangang magpakita ng proof of full vaccination bago makalahok sa mga pagtitipon (mass gatherings) o makapasok sa loob ng mga establisiyemento gaya ng mga sumusunod:

  1. Religious gatherings, lamay sa patay at libing
  2. Lahat nang indoor dine-in services sa mga kiosks, commissaries, restaurants and eateries. Hindi naman kailangan kung outdoor, al fresco dining at take out
  3. Barbershops, hair spas, hair salons, and nail spas, aesthetic/cosmetic services or procedures, make-up services, salons, spas, reflexology at iba pang procedures
  4. Fitness studios, gyms, venues for exercise and sports
  5. Lahat nang sinehan na mag-o-operate nang full capacity
  6. Meetings, incentives, conferences, exhibition events, at mga venues na kailangan ng permit para sa social events gaya ng parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut, birthday parties, family reunions, bridal or baby showers
  7. Mga venues na may live performers at manonood gaya ng karaoke bars, clubs, concert halls at mga sinehan
  8. Indoor ancillary establishments sa mga hotels at iba pang accommodation establishments
  9. Venues para sa mga aktibidad na may kinalaman sa eleksyon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Required ang pagpapakita ng proof of full vaccination bago makapasok sa mga establisiyemento na tinukoy batay sa mga prinsipyong nasa ilalim ng 3C’s strategy against COVID-19 (closed spaces, crowded places, and close-contact settings).

Hindi naman kailangang magpakita ng proof of full vaccination ang mga edad 17 pababa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming pagbabago sa inaprubahang guidelines ng IATF sa mga lugar na isinailalim sa Alert Level 1, ngunit mananatili ang pagsusuot ng face mask. Kailangan din ang proof of full vaccination kapag papasok sa public and private establishments.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results