Film critic Joel David magbibigay ng mala-master class lecture tungkol sa film commentary

by KC Cordero
Mar 4, 2022
Writing Pinas Film Commentary free course announcement
Magdaraos ng libreng kurso sa film commentary ang film critic na si Joel David. Ang kurso ay katumbas ng master program at pagkakalooban ng certificate ang mga lalahok.

Idaraos ang Writing Pinas Film Commentary, isang libreng kurso sa Philippine film writing at isasagawa na katulad ng isang master class.

Ang magiging lecturer ay ang renowned Filipino film critic na si Joel David.

Award-winning Filipino film critic Joel David

Si Joel ay may PhD sa Cinema Studies mula sa New York University. Siya rin ang kauna-unahang Pinoy na may bachelor's degree sa film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang Filipino film critic and Philippine cinema academician, marami na siyang nasulat na aklat tungkol sa Philippine cinema, kabilang ang "The national pastime: Contemporary Philippine cinema.. May dalawa itong edisyon at nalathala noong 1990 at 1998."Malaki ang kanyang naging papel sa pagtatatag ng UP Film Institute.

Naging editor din siya ng mga aklat at journal issues tungkol sa media and cultural studies.

Sa kasalukuyan, siya ang kaisa-isang Filipino professor sa South Korea.

Kabilang sa kanyang awards ang Art Nurturing Prize mula sa 2016 FACINE International Film Festival sa San Franciso, at 2021 Balagtas Award for Film Criticism mula sa Writers Union of the Philippines.

PAANO SUMALI

Open ang Writing Pinas Film Commentary sa lahat. Walang required na educational attainment sa mga interesado.

Ang mga kalahok ay required na magsumite ng kanilang original draft, 1,000 words maximum tungkol sa kanilang evaluation at rekomendasyon tungkol sa Philippine film criticism, on or before March 11, 9:00 a.m.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isasagawa ang programa sa loob ng tatlong Biyernes (March 18 at 25, at April 1, 2022). Tatalakayin ang mga partikular na chapters ng Writing Pinas Film Commentary book nang live sa pamamagitan ng Zoom.

Sampung (10) aplikante lang ang mapipili para lumahok sa program. Pagkakalooban sila ng certificates kapag natapos nila ang kurso.

Gaya ng nabanggit, libre ang master class, at bibigyan ng kopya ng Writing Pinas Film Commentary book ang mga kalahok sa master class bilang required reading material.

Para sa mga magpapa-reserve ng slot, i-click ang link na ito: https://bit.ly/PL-JD-SignUp

Para naman sa mga interesado sa libro, maaaring itong ma-download dito: http://www.pelikulove.com.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magdaraos ng libreng kurso sa film commentary ang film critic na si Joel David. Ang kurso ay katumbas ng master program at pagkakalooban ng certificate ang mga lalahok.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results